Uyy ikaw,
pasensya ka na kung masyado akong pabigat sayo,
Kung lagi ko nalang hinihingi ang mga tulong mo,
Kung palagi nalang problema ang dala dala ko.
Pasensya na kasi hindi ko kayang mag isa,
Kung lagi nalang kitang inaabala
Para sabihing, "Uyy samahan mo naman ako".
Pasensya na kung parati nalang akong nagpapatulong sa iyo,
Pero ikaw,
ni hindi ko man lang magawang tulungan.
Pasensya na kung madalas akong magbigay sayo ng problema
Kung napakarami mo na ngang problema, mas dinadagdagan ko pa
Pasensya na kung ang hina hina ko
Yung tipong hindi ko kayang tumayo sa sariling mga paa ko
Bakit ba kasi ganito ako
Pero salamat ahh
Kasi hindi mo ako pinabayaan
Pasensya ka na talaga kung puro na lang ako pasensya dahil yun na lang ang kaya kong sabihin.
Pero salamat,
Salamat sa lahat,
Kaibigan kong tapat.
Hanggang dito nalang,
Paalam.
~charlenggg
A/N: corny ba?? Lakompake!