His POV

2 0 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan nagsimula to.

Basta isang araw nalang, hindi ka na mawala sa isipan ko.

Ewan ko ba, gabi-gabi nalang kitang napapanaginipan.

Samantalang, nakita lang naman kitang ngumiti sa canteen isang araw

Simula non, lagi na kitang sinusundan

Ang creepy na nga ng dating eh, mukhang stalker lang.

Wala eh, tinamaan ako

Ang mahirap pa non, isa akong dakilang 'torpe'
.

.

.

Kaya naman, hindi ko inaksaya ang pagkakataon para tulungan ka,

Nang makita kitang pinagtitripan ng mga tambay sa kalye

"Maraming salamat ah, utang ko sayo ang buhay ko" sabi mo na medyo nanginginig pa dulot ng takot mo kanina.

"Walang anuman!"  sabi ko sabay takbo para magtago.

Haha! Akala mo siguro iniwan na kita nun, hindi noh!

Sadyang wala lang paglagyan ang hiya at tuwa ko kasi kinausap mo ko.

.

.

.

***

Pero hindi ko inaasahan na pupuntahan mo pa ako sa classroom namin at magpapakilala sa akin

"Hi!, ako nga pala si Shane Legaspi. Yung tinulungan mo nung nakaraan"

sabi mo ng nakangiti sabay lahad ng kamay mo para makipag 'shake hands'

Syempre isinantabi ko muna ang hiya at nagpakilala rin sayo

"Alexander Reyes, Alex nalang"
sabay abot sa kamay mo.

***

Simula non, ay palagi mo na akong pinupuntahan sa room namin.

Nakakahiya na nga ehh kasi ako yung lalaki na may gusto sayo pero ikaw pa ang pumupunta sakin.

Hindi nagtagal at naging mag kaibigan na tayo.

Nawala na ang pagkahiya ko sayo, naging komportable tayo sa isa't isa.

.

.

.

.

.

.

***

At mas lumalim pa ang pagkakaibigan natin nung naging kaklase kita nung 4th year highschool na tayo.

Pinagtatanggol kita sa mga umaaway sayo. Sobrang komportable natin sa isa't isa. Yung tipong nagsheshare tayo ng mga secrets natin.

Maski sa mga bagay bagay gaya ng tubig, kapag nakakalimutan mo yung tubigan mo, ng pagkain, ng libro kasi tamad kang magdala.

Nalaman ko pa nga na ulila ka na ehh. Naawa ako sayo nun kaya naman naisipan kong bumisita sa bahay niyo.

Mabait ang lola mo. Ang sarap kausap, Hindi nauubusan ng mga kwento tungkol sayo nung bata ka pa.

Kaya naman lagi na akong pumupunta sa inyo. Sabay tayong gumagawa ng mga assignments at projects natin sa bahay niyo.

Pinagkakatiwalaan tayo ng lola mo. At hindi ko sasayangin ang tiwala na yun dahil may respeto ako sayo.

 Your HeroWhere stories live. Discover now