MGU’s Note: stop na muna tayo sa kwento ni Ced at Joie, nakakalimot na tayo kay Leila e siya kaya bida =)
-Leila Mayrish Gonzales-
“Sometimes, the prettiest smiles hide the deepest secrets, the prettiest eyes have cried the most tears, and the kindest hearts have felt the most pain” – Leila (MGU’s note: Trip ko lang isali sa story ko, GM yan ng friend ko naisipan ko pang update sa story connected naman e, hayaan na ! =] )
Minsan sa buhay kailangan mong pumili kung ano ang paiiralin, UTAK nga ba o ang PUSO? Sa sitwasyon ko, pinairal ko ang puso resulta? Eto nasaktan ako, pero natutong bumangon. Dalawang lalaking malaki ang impluwensya sa buhay ko ang dahilan ng pagbabago ko. Galing ako sa isang broken family, Oo pinalaki ako ni Mama na mag-isa kasi bata pa lang ako iniwan na kami ng tatay ko. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya e o ang itsura niya, kinamuhian siya ni Mama hindi dahil iniwan siya kundi dahil sa panloloko daw ni tatay sakanya. Nagkaroon ng anak sa ibang babae ang tatay ko and to make the story short dumating sa point na lage nilang pag-aaway e umalis na ng tuluyan si tatay sa bahay. Halos isumpa siya ni Mama, hindi na sila nagkita at nagkaron pa ng komunikasyon simula nung umalis si tatay. Kaya heto ako ngayon, walang kinilalang ama. Hindi na rin kasi nag-asawa ulet di mama o tumingin pa sa ibang mga lalake e. Mahal na mahal niya si tatay kaya kahit anong galit niya at gustong maghiganti ay wala siyang nagawa lalo na nung makarating sakanya ang balita na bilang na lang ang mga oras ni tatay. Sa puntong yun e nakilala ko si tatay, isinama ako ni Mama sa ospital nun. Nakita ko siya, mahina na ang katawan. Nang Makita niya kami ni Mama nakita kong nagsimulang pumatak ang mga luha niya, hindi na namin maintindihan pero pinilit niyang magsalita ang tanging naintindihan ko lang ay humihingi siya ng tawad sa’kin at kay Mama. Nung sinabi ni Mama na kalimutan nalang nila ang nakaraan nila, ngumiti si Tatay at pumikit na. Naramdaman ko nalang ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi mula sa aking mga mata. Ang susunod ko na lang na alam ay nagkakagulo na ang mga kasama namin sa kwarto at may mga doctor at nurse na nasa tabi ni tatay. Sinubukan nilang irevive si tatay, pero ang sunod kong nadinig mula sa doctor ay time of death 7:54pm, I’m sorry.
May iniabot na kahon ang kapatid ko daw (anak ni tatay sa kinakasama niya) ang sabe niya ibinilin daw ito ni itay sa kanya na ibigay daw ito sa’kin. Yung itsura ng box e nakabalot ito ng wrapper na pam’baby, pagkakita ko ng mga laman nito ay lumuha nanaman ang mga mata ko, may pictures ng baby at sa pagkakaalam ko e ako yung nung baby pa ako. Palagi raw ipinapaalala sakanya ni itay na may Ate siya at ako nga yun.
Ang sakit ! sobrang sakit para sa’kin kasi nung araw na makilala ko si tatay ay yun din ang araw ng kamatayan niya, wala man lang kaming formal meeting, hindi ko man lang siya nayakap nung nabubuhay pa siya. Hindi ko hinayaan na dun huminto ang pag-ikot ng mundo ko, nagpatuloy ako sa buhay dahil kung hindi ako magiging matatag wala ng ibang makakapitan pa si Mama kundi ako lang. Kung paano nagpatuloy ang buhay ko, yun naman ang paghinto ng kay Mama. Minahal niya ng lubos si tatay to the point na sinabi niya sa akin na “Revenge is best served cold.” Hindi ko naintindihan yung sinabi ni Mama, Revenge is best served cold. Nung una daw kasi sinabi niya sa sarili niya na kahit mamatay pa si tatay e hindi niya ito mapapatawad at ito na ang pinaka-paghihiganti niya, hinding hindi rin daw niya ako ipapakilala bilang anak nila ni tatay kahit magmakaawa pa ito sa harapan niya. Pero kinain niya lahat ng mga sinabi niya nung punto na andun na kami sa realidad na tinatawag. Kung may balak na paghihiganti kailangan wala ka ng nararamdaman na pagmamahal para sa taong yun tanging mararamdaman mo lang ay galit walang bahid ng awa. Ito ang naisip kong gawin ngayon, ngayon na napagdaanan ko ang mga nangyare kay Mama. Hindi ako papayag na lokohin na lang kami ng mga lalaki sa paligid, panahon na para ang babae naman ang magpa-iyak sa mga kalalakihan. I will never trust a boy, boys will be boys sabe nga nila
Naghanap ako ng mga bagay na pwedeng makatulong sa’kin sa pagkalimot sa lalaking nanakit sa akin. Hanggang sa Makita ko sa newsfeed ko sa Facebook na may nilike yung friend ko sa wattpad daw “11 ways to forget your Ex-boyfriend by HaveYouSeenThisGirl” (MGU’s note: Yes eto po yung story ni Ate Denny, favourite author ko siya e baket ba? hehe) Binasa ko ito, maganda siya and dahil desidido na akong kalimutan si Jan Cedrick Gueras, my Ex-boyfriend eh sinunod ko ang 10 ways. Oo hindi ito typographical error, hanggang 10 ways lang po ang sinunod ko dahil ang 11th way eh ayaw ko ng maramdaman pa ulet, yun ay ang pakiramdam ng nagmamahal. [Ate denny, pahiram lng po ng 11 ways mo ha? Thank you ! ]
A/N: sa right side po yung photo ni Leila Mayrish Gonzales (Park Min Young)
Vote, Like, Comment, Become a fan ! =))
BINABASA MO ANG
Sorry for the BROKEN HEART
Teen FictionShe was madly and deeply in love with her boyfriend. That’s why when they broke up it seems that all her fantasy of a happy ending fade away. She spent her time on playing around with boys until she discovered her ex-boyfriend’s secret. -MGU♥