Inalok si Anikka ni Ranz ng isang nonserious, noncommittal relationship. Mahal niya ang kalayaan niya kaya pabor sa kanya ang ganoong relasyon.
Para lang silang naglalaro habang ine-enjoy nila ang company ng isa't-isa.
"We wont fall in love with each other. Kapag na-in love ka sa aikn, iiwan kita" malakas ang loob na sabi pa ni Anikka.
"Yeah, 'Wag ka ring mai-in love sa akin. Kahit napakahirap pigilan mo ang sarili mo," ganti ni Ranz.
Anikka chuckled. Chicken feed ang hinihiling niya. Pero masama nga yata ang nagsasalita nang tapos. Dahil wala siyang nagawa nang mahulog ang puso niya kay Ranz. Ang masama pa, mukhang hindi siya magagawang mahalin nito kahit ano ang gawin niya dahil may isang Anastasia mula sa nakaraan nito.