Chapter 2

14 2 0
                                    

NIGHTMARE...

Hindi pa rin tumitila ang ulan.
Mag gagabi na at kailangan ng umuwi ni Zaider, kung hindi ay dito sya magpapalipas ng gabi.

"Uyy!" Tawag ko. Nag lalaro kasi sya ng mobile legends.

"What?" Tignan mo to. Hindi man lang nag aalala na baka hindi sya makauwi, ngayong gabi tsk..

Bumalik naman sya sa pag lalaro at tumingin ulit ako sa bintanang kahoy na natatakpan ng plastic,para hindi mabasa ang loob ng bahay.

Sobrang lakas ng ulan, na parang isang ihip ng malakas na hangin ay tatangayin ang bahay ko.

Tumbang mga puno ang makikita..
At ang ibang poste naman ay tabingi na..

Tumingin ulit ako kay Zaider..at busy pa rin sya sa nilalaro nya, natatawa ako sa bawat reaksyon nya. Nanggigigil na sya habang pindot ng pindot sa cellphone nya.

"Mukhang hindi ka na makaka-uwi." sabi ko. At tumingin naman sya sakin.

"Ayos lang,para may kasama ka dito."

Tsaka ko lang naalala yung kotse nya. Nasa may park ..

"Yung kotse mo---"

"Oo. Tumakbo ka kasi agad kaya di ko na alalang may kotse pala akong dala.. sa susunod nga mag kakariton na lang ako para hindi hassle." Natawa naman ako dun..at umupo sa tabi nya.

"Sorry.beshie.." huminga naman sya ng malalim, tska ini off ang cellphone nya.

"Its. Okay beshie..."

Burrrrrkkkkk!  Sign po yan ng kumakalam na tyan. HAHA!

"HAHAHAHA" sabay naman kaming natawa dun.. sabay din kasing kumalam yung tyan namin. :DD

Burrrrrrrkķkkk!

"Sige na beshie ipagluto mo na lang ako hahaha.."

Mas lalo pa syang natawa dahil mas lumalakas ang pag aalburuto ng tyan namin sa gutom.. Hehe!

Tinuloy naman ni beshie ang paglalaro sa cp nya.

Lumapit naman agad ako sa cabinet at iiling iling na natatawa. Dito ko kasi nilalagay lahat ng pagkain ko at kinakandado para safe.

'Teka ano naman kaya ang lulutuin ko'

Light bulb!

Aha. Adobo fav. Ni beshie Zaider :)

Kinuha ko muna ang de uling kong kalan sa labas.

Tek. Ang bigat pala ampupupu. :3

Napansin naman ni Zaider ang itsura ko at mabilis na lumapit sakin at tinulungan akong magbuhat.

"Jusko! naman beshie hindi ka nag sasalita. Para kang natatae sa itsura mo kanina.." iling na sabi nya tsaka binaba ang kalang de uling ko.

Pinipigilan ko namang matawa sa sinabi nya. --,

"Pffftk!.." ako..

tumalikod naman ako para di matuloy ang paghalakhak ko.

Napapa kamot namang napa upo si Zaider sa upuan at nagpipindot sa cp nya. Nagtataka siguro sa inasal ko.

BURRRRRRRRKKKKKKK!!

NAKU! Di na ata to normal at nag wawala na talaga ang sawa sa tyan ko!

Binilisan ko na lang ang pagkilos para makakain na kami..

After 5minutes ay natapos din ako sa pag luluto.

My bestfriend,My Ex and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon