"I think I'm suffering from lack of vitamin U."
Keeper's POV
Pagkatapos ng aksidenteng iyon ay sinundo kaagad ako ng mga magulang ko. Tahimik lang kaming umuwi sa bahay. Hindi man nila sabihin ay ramdam ko na naawa sila sa kalagayan ko. Hindi ko pa yata kayang akuin ang responsibilidad na 'to.
Nailigtas ko nga si Chepsy, pero bakit sadyang malupit sa 'kin ang tadhana? Sa tuwing nakikialam ako sa kapalaran ng isang tao ay nakakalimutan nila na naging parte ako sa buhay nila. Lahat ng mga masasaya at malulungkot na nangyari ay ako lang ang nakakaalala.
Paalam kaibigan, sana magkita pa tayong muli.
"Ngayon alam mo na kung gaano kahirap ang ginagawa namin," tapik sa 'kin ng mga magulang ko.
After 8 years...
Chepsy's POV
"Mwah mwah, I love you Oppa. Amoy mo palang ulam na, mwah mwah," niyakap ko ng mahigpit ang Oppa ko habang pinapaulanan ko siya ng mga matatamis kong halik.
Sabi nila, 'If you love someone, then set them free'. Pero sabi-sabi lang naman 'yon. Ano ako, hilo? Basta-basta nalang maniniwala sa mga dahilan ng mga duwag? Hindi nila ipinaglalaban ang nararamdaman nila kasi takot silang masaktan. Set them free? Bakit, kinulong mo ba siya na kailangan mo pang pakawalan? Nagmahal ka lang naman ah, ano masama doon? Ah basta ako, si Oppa lang ay sapat na.
Pak!
Gumising ako ng bigla akong binatokan ni nanay. Masakit pala...
Masakit palang umasa sa wala. Why oh why? My Oppa is just a dream.
"Hoy, tanghali na, bumangon ka na diyan. Oppa, Oppa, upakan kita diyan. Tignan mo nga sarili mo sa salamin. Nagpuyat ka nanaman, singkit na yang mata mo sa kakapanuod ng kdrama na 'yan," pangaral sa 'kin ni nanay.
"Nay...Ang ganda-ganda na ng panaginip ko eh, kontrabida ka talaga. Arrgg...Sana may to be continued pa mamayang gabi ang panaginip ko," reklamo ko.
"Teeeka, ba't singkit din yang mata mo nay? Ohohoho, maganda ba yung nirecommend ko sayong drama?" Dugtong ko. Napansin ko kasi na sumingkit din ang mata ni nanay.
"Hindi ah. Sa..sa sibuyas yan kanina. Wag mo ngang baguhin ang usapan. Kakain na tayo, lubayan mo na yang jowa mong unan. Puro laway na 'yan. Kadiri," palusot ni nanay sabay putol sa topic na singkit din ang kanyang mata.
Wag daw ibahin ang usapan, eh siya naman 'tong pumutol ng nabisto ko siya.
"Nay, sa panahon ngayon unan nalang ang hindi nangiiwan. Kaya 'stick to unan' ako," rason ko.
Umalis kaagad si nanay sa kwarto. Hindi niya siguro kinaya ang malupit kong hugot...
Pagkatapos kong magligpit ng higaan ay dumiretso na 'ko sa hapagkainan.
"O ba't singkit ang mata niyong dalawa, nagconvert naba kayo sa chinese?" Pabirong tanong ni tatay.
"W..wala labs, naghiwa kasi kami ng anak mo ng sibuyas kahapon kaya naging ganito mata namin. Diba nak?" Palusot nanaman ni nanay at dinamay pa 'ko.
Oo, matagal ng bati sila nanay at tatay. Ang dating 'pepper and salt and everything is your fault' ay naging 'sugar and spice and everything nice' simula ng naospital ako. Blessings in disguise nga siguro 'yon.
"Opo tay, sa sibuyas..." Sinabayan ko nalang ang trip ni nanay.
Sabay na kaming tatlong kumain. Pag nakikita ko 'tong dalawa ay sumasakit ang ngipin ko. Ang sweet...nasubrahan yata. Pano ba naman nagsusubuan ang dalawa sa harapan ko. Daig pa ang bagong magjowa kung umasta. Parang pinapamukha nila sa 'kin na wala pa rin akong boyfriend hanggang ngayon.
"Nak college kana, kailan mo ba balak magkaboyfriend?" Tanong ni tatay.
Ito na nga ba sinasabi ko. Yung ibang mga magulang ayaw na ayaw na magkaboyfriend kaagad ang kanilang anak.
"Tay, alam mo namang inuuna ko ang pagaaral kaysa sa boyfriend-boyfriend na yan. Distractions lang yan sa studies ko. Remember tay, landi and laude doesn't mix. Kailangan ko munang mag focus sa studies ko," tugon ko.
"Huwaw, landi and laude doesn't mix? Ang landi-landi mo kaya kanina ng nananaginip ka. Tulo laway ka pa nga," singit ni nanay.
"O s'ya kumain nalang tayo. Bilisan mo na kumain anak at first day mo ngayon sa school," paalala ni tatay.
Terminal ng Jeepney.
"Lima pa, lima pa! Aalis na, bilisan niyo baka kayo maiwan. Bahala kayo, magaantay nanaman kayo ng matagal para makahanap ng iba," sigaw ng konduktor ng jeep.
"Kuya bulag ka ba? Kita mong nagsisiksikan na mga pasaheros niyo sa loob, sinasabi niyo pang lima pa. Titiisin ko nalang magantay ng iba kaysa ipagsiksikan ko pa sarili ko diyan, baka masaktan lang ako," reklamo ng isang pasakay na sana na babaeng pasahero.
"Ay sorry po miss. Yung mga desperado lang naman ang tinatawag ko. Yung kahit sabit lang sila ay okay lang...O mga desperado diyan, sakay na kayo," paliwanag ng konduktor.
Napaimik nalang ang babae sa narinig niya.
Samantala, nakatayo parin ako sa pilahan ng jeep.
Naku ang haba ng pila, siguradong malalate ako nito. Dapat pala ay hindi ko tinapos ang buong series kagabi...
"Chepsy, sabay kana sa 'kin. Baka malate ka pa diyan sa kakaantay ng jeep," anyaya ng kaibigan kong si Marc. Childhood friend at kaklase ko siya mula elementary hanggang highschool. Ngayon, magkaklase nanaman kami.
"Nakakahiya naman Marc kung makirides pa 'ko sayo. Okay na 'ko dito, sanay naman ako maghintay," tugon ko sa kanya.
"Nahiya kapa niyan? Nasa loob ka na nga ng kotse ko eh." Napailing nalang siya sa ginawa ko. Total, sanay na rin naman siya sa mga kalokohan ko all this years.
"Sayang pamasahe eh, dagdag din to sa savings ko. Napagtanto ko rin na masarap palang may personal tagahatid ako sa school."
"Ewan ko ba kung bakit kita naging kaibigan," mangiyakngiyak niyang tinig.
"Uhm..because of my looks and pleasing personality." Kumpyansa kong sagot.
"Yeah right..." Sarkastiko niyang tugon.
BINABASA MO ANG
Mysterious Romantic
RomanceMasayahin, palakaibigan at maalalahanin sa kapwa si Ice Keeper Jao nung bata pa siya. Lumaki siya sa isang hindi pangkaraniwang pamilya, kung saan ay naipapamana sa susunod na henerasyon ang kakayahang makita ang love life ng iba sa hinaharap. Maari...