💍Trouble 1: Umusbong💍

1.9K 66 17
                                    

HATING-BAKLA
(Sheridan)
by imrodsy23
Trouble 1




~~~

NAKATITIG si Sheridan Manalo sa nasambot niyang bungkos ng bulaklak mula sa bagong kasal na si Justine Sillano. Dahil feeling babae siya at malakas ang loob, nakiagaw siya sa bulaklak na iyon. Akalain ba naman niyang siya ang makakasambot niyon.

Hindi tuloy magkamayaw ang tuksuhan, reklamo gat tawanan sa paligid. Gaya ng kung paanong hindi magkamayaw ang puso niya sa eratikong pagtibok. Idagdag pa ang tudyo ng sariling isip na: Ako na ang susunod na ikakasal. OMG!

Sa isiping iyon ay hinanap ng kanyang mga mata ang tanging lalakeng pinapangarap niya mula noon. Si Sir Calvin Formalejo.

Subalit mukha ng mga kadalagahang nakaismid ang nakatutok sa kanya. Mga nagbubulungan at kung suriin siya mula ulo mukhang paa ay gano'n-gano'n na lang. At kung nakamamatay nga naman ang matatalim na titig at pag-iisip ng kapahamakan ng kapwa, siguro'y kanina pa siya bumulagta sa carpet. Mga inggitera!

Pero ano ba naman ang mapapala niya sakaling magpasilong siya sa matataray na dalaga? Mga dalagang tila nalugi ng sampung trilyong salapi sa kaalamang hindi ang mga ito ang nakasambot sa bulaklak.

Well, sorry! Daig ng baklang bungal ang malanding may determinasyon!

Ngumiti siya sa mga ito. Ngumuso pa siya at tila nang-iinggit na sinamyo niya ang talulot ng mga bulaklak.

"Congratulations!" anang tinig. Si Justineday ang naangatan niya ng mukha. Masaya ang bakla at malawak ang ngiti. "Ikaw na ang susunod na magiging... Foramalejo." Dagdag nito at ibinulong ang apelyidong nagpapakislot sa kanyang kabaklaan.

Hindi niya napigilan ang pagngiti. "Oy 'di a, wala namang matibay na basehang ako nga ang susunod na ikakasal. Porke ba ako ang nakasambot nitong flowers? Kung anu-ano ka diyan." Yumuko siya at kagat-labing sinupil ang kilig.

Natawa si Justine. Naaaliw sa kabaklaan ng kaibigan. "Wag nga ako, Shersher! Kilala ko pati utot mo, baklang 'to! Basta payo ko sa 'yo, ingatan mong wag matuyot 'yang floweret mo. Alagaan mo 'yan," at binuntutan ng malisyosang hagikhik.

Namilog ang mata ni Shersher. Nahampas sa braso ang kaibigan. "Bakla ka! Totoo nga yatang kapag nagkaasawa na'y nagiging malisyoso na ang utak at bunganga. Kaloka ka!"

"Hmm, medyo lang..." sabay hagalpak ng tawa.

"Talandee! Pero congrats bakla, tagumpay ka na sa pag-ibig." At niyakap niya ang kaibigan.

Masiglang gumanti ng yakap si Justine. "Hindi naman natatapos ang tagumpay. Palaging meron hanggat pinagsusumikapan mong abutin ito. Sa ngayon, may bagong paraiso na naman kami ni Jude. At mas magiging matibay pa kami."






"AYY!" Ang malanding tili ni Rolanda sabay hagalpak ng tawa. Tinapik ang kamay na kumudlit sa kanyang pang-upo. "Ikaw Ser ha, nanggugulat ka. Binabastos mo me."

Tumawa ang amo at iiling-iling na nagpatuloy sa paghakbang.

"Ser Calvin! Wait! Bahyawn! Matapos kudlitin ang werut ko, iiwan ako! My god! Ser!" Nagagahol na humabol si Rolanda sa amo. Naulinigan pa niya ang tawanan at bulungan ng mga naroong bisita. Kung 'di ba naman kasi papansin ang suot niya sa mga sandaling iyon. Crop top na sunflower at high-waisted denim short sa mismong reception ng kasalan! Napakatangkad pa ng takong ng suot niyang sapatos. At talaga nga namang maiiskandalo ang sinumang konserbatibo sa makikitang ayos ng bakla.

Si Rolanda Manalo, isang bakla. Nakababatang kapatid ni Sheridan---sa labas. Nang yumao sa sakit sa puso ang ina ni Rolanda, tuluyan nang kinupkop at pinatuloy ni Mario sa tahanan ng mga Manalo ang anak.

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon