C2 (~One Shot~)

1.1K 44 5
  • Dedicated kay Jonna Zapanta
                                    

“Sayo ba tong C2?”

Tanong ko sa kanya. Teka bakit ko ba natanong yun sa kanya? Eh akin naman to. Ito lang siguro ang tanging paraan para makausap ko siya.

Kumunot ang kanyang noo, “Hindi eh.” Kasabay ng kanyang mga ngiti.

Napaka ganda ng kanyang mga ngiti, ito na siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagugustohan. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganto, siguro nakamove-on na ako dun sa pamba-busted sa akin ng crush ko dati.

Pero bakit ganun, nararamdaman ko pa rin ang sakit at pagkapahiya? Natatakot ako, ayaw ko nang muli pa iyon maramdaman.

*Flashback*

Highschool student na ako nun nang una ko siyang makilala. Naging magkaklase kami at naging magkaibigan. Palagi ko siyang kasama at ka-partner sa mga activities na meron kami. Minsan pa nga eh napagkakamalan kaming magkasintahan ng mga taong nasa paligid namin dahil na rin sa palagi kaming magkasama. Tinatawanan lang namin ang mga bagay na yun, pero ang di ko alam ay unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

Saka ko lang to na-realize nang lumipat siya ng paaralan noong nasa 3rd year high school na kami.  Tama nga ang mga kasabihan nila na saka mo lang malalaman na mahalaga ang isang bagay o tao sayo kung mawawala na ito sayo. Nagulat ako dahil di man lang siya nagsabi sa akin o pinaalam man lang na lilipat na pala siya. Nawalan din kami ng komunikasyon sa isa’t –isa. Lungkot ang naramdaman ko sa mga oras na yun. Di ako masyadong makapag-focus sa pag-aaral ko.

Isang gabi nga makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya…

Hi Christian! Kamusta ka na? Pasensya ka na ha at biglaan ang paglipat ko ng paaralan. Ni-hindi ko man lang nasabi sayo. Sobrang miss ko na talaga ang best partner ko. Pasensya ka na ha at nagkaroon kami ng konting problema kaya lumipat muna ako. Balita ko raw bumababa na ang mga grades mo ah. Cheer up pare wag kang mag-alala mahal ka nun. Di joke lang, aral kang mabuti ah! Sige ka matatalo na naman kita sa pataasan ng grades. Nga pala may good news rin ako sayo! Babalik ako diyan next year, gusto kong grumaduate kasama ang best partner ko.

Ang mensaheng ito ang nagbigay sa akin ng inspiration para pagbutihin pa ang aking pag-aaral.

Dahil sa pagiging subsub ko sa pag-aaral, di ko namalayan na magfo-fourth year na pala ako. Ito na ang pinakahihintay ko, makakasama ko na rin siya. Kasabay ng pagbabalik niya napagdesisyonan ko na, na aaminin ko na ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

JS Prom na namin ng maglakas loob akong umamin sa kanya. Sinayaw ko siya at pagkatapos ay umakyat ako ng stage para alayan siya ng kanya, kasabay nito ang paghila ko siya kanya paakyat sa stage at binigyan ko siya ng mga rosas.

Gumuho ang mundo ko nang may sumigaw ng “Pare mag ingat-ingat ka! Girlfriend ko yang nilalandi mo!”

Tumingin ako sa kanya at napatungo na lang siya. Ibig sabihin totoo na may boyfriend na siya. Nagalit ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa mga oras na yun gusto ko na lang na bigla nang maglaho na parang bula ng sa ganun ay mawala na tong nararamdaman ko. Umalis ako sa stage at tuluyang lumayo sa lugar na yun. Kasabay ng pagtulo ng aking luha ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

C2 (~One Shot~)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon