Chapter 33

121 7 0
                                    

Gab's POV

Nasa biyahe na kami papunta sa mall. Si kuya Paul ang driver namin.

KUYA:"Tady, saan mo gusto kumain?"

TADY:"Kahit saan Paul, basta walang lason."

GAB:"Seafood restaurant."

TADY:"Gab, may pupuntahan kami ni Paul. Maglalaro kami sa arcade."

GAB:"Letse naman! Sino ba yung boss mo dito? Sino ba yung dapat na sasamahan? Siya ba ah? Sige magsama kayo ni kuya."

TADY:"Sabi ko nga ikaw yung sasamahan ko eh."

KUYA:"Init ng ulo mo bro, may dalaw ka ata ngayon."

GAB:"Stop teasing me. I'm serious."

KUYA:"Hahaha! Mamaya mag-uusap tayo."

GAB:"For what? Magpapaalam kaba na isasama mo si Tady? Okay Fine. Just go. Sino ba naman ako para pigilan siya?"

TADY:"Grabe naman Gab! Ang drama."

KUYA:"Hahaha! Oh tigilan na ang drama, nandito na tayo sa Mall."

---

Wala akong gana habang sila namimili at naglalaro sa arcade ako naman nakaupo lang don at nakatingin sa nga dumadaan.

Nag-decide na sila na kumain na kami.

TADY:"Uyy Gab! Ba't ang tahimik mo naman?"

GAB:"Ano ba? Wag mo nga akong guluhin."

TADY:"Ok."

Wala ako sa mood ko para makipag-biruan.

KUYA:"Gab, easy ka lang bro."

GAB:"Tsk. Sige na um-order na kayo."

TADY:"Ano namang o-orderin natin?"

GAB:"Yung pagkain na nakakatanggal ng MANHID, para naman makadama na ng katotohonan."

KUYA:"Aba! Hahaha!"

---

Hindi na din kami nagtagal sa mall. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na din kami.

Nandito na kami sa unit ko.

KUYA:"Mag-uusap tayo sa kwarto mo."

GAB:"Para saan nanaman ba kuya?"

KUYA:"Wag ka ngang maging KJ diyan. Di bagay sayo."

GAB:"I don't care."

KUYA:"Andrama mo bro! Halika na nga sa kwarto. Mag-iinom tayo."

GAB:"Oo na, wag mo nga akong hilahin kuya."

KUYA:"I'm just excited to know the truth."

THE TRUTH?!

GAB:"What do you mean kuya?"

KUYA:"Just come with me sa kwarto."

GAB:"Letse! Parang bakla eh."

Pumasok kami sa kwarto ko at ini-lock ni Kuya 'yon. Ngumiti siya ng nakakaloko. Binuksan niya ang alak, at tsaka uminom na kami. At pinatawa niya lang ako ng pinatawa.

---

Makalipas ang ilang oras. Parang nahihilo na din ako. Ang lakas ng tama ng alak na'to sakin ah.

KUYA:"Eto na talaga yung pag-uusapan natin."

GAB:"Oh ano bang paguusapan natin kuya?"

KUYA:"Sagutin mo ng totoo ahh."

GAB:"Ok."

KUYA:"Sagutin mo ng seryoso, kung ayaw mong makutusan."

GAB:"Oo na nga! Ano ba yun?"(nasusuka)

*aarghhh aarghhh*

KUYA:"Gusto mo si Tady, tama ba?"

GAB:"Haha! Tady? Shino yun?"

KUYA:"Timang! Yung yaya mo."

GAB:"Ahh yung maganda kong yaya? Haha! Wag ka ngang chismosho! Ano bang pakialam mo kung gusto ko siya?"

KUYA:"Edi gusto mo nga si Tady?"

GAB:"Malamang hindi."(umubo)"Kasi gustong-gusto ko siya, sa tingin ko nga mahal ko na siya."

KUYA:"Isa lang ang maipapaya ko sa'yo bro. Umamin ka!"

GAB:"Oo aamin naman ako, hindi ako bakla para magtago ng nararamdaman ko. Ang problema, manhid yung babaeng yun."

KUYA:"Walang manhid, kung walang torpe."

Narinig ko nalang na tumawa si Kuya at napahiga na din ako sa kama ko.

Tibo Meets Kings|| Completed || #Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon