Author: -IndieWriter-
Critic: charmdiatz
Genre: Fantasy/ Romance
Target: 16 and above
A. OPENING
Prologue
Maganda 'yong pagkakabuo ng mga pangungusap. Nakaka-impress. Komonekta rin kaagad sa akin 'yong mga tauhang nabanggit dahil naramdaman ko 'yong emosyon nila. Nando'n 'yong awa ko kay Amanikable, but at the same time, hindi ko naman makuhang magalit nang tuluyan kay Maganda. Mukhang may rason naman kasi 'yong huli kung bakit gano'n na lang ang galit nito. Hindi binanggit kung ano man iyon. I think, ito 'yong kukuha ng atensyon ng readers.
Tamang-tama lang para sa akin kung saan nagtapos itong prologue. Kung may pupunahin ako, iyong bandang huli lang, mukha itong minadali at parang kidlat sa bilis 'yong mga pangyayari.
Chapter 1
Malaking tulong 'yong prologue kung bakit naging mas interesting itong part ng libro. Maayos din 'yong pasok ng information, pero may mga part lang na vague. I'm not sure kung sinadyang i-withheld iyon, or dahil sa maligoy 'yong ibang pagkaka-narrate kaya naging malabo sa akin iyong information na gustong i-relay.
Peace. I just hope na hindi ikaw iyong klase ng writer na pagsasabihan 'yong reader na hindi inintinding mabuti 'yong binasa kaya hindi nakuha ni reader 'yong daloy ng kuwento. Trabaho po ng writer na ipaunawa sa reader ang kanilang binabasa.
With regards to dialogue, maganda sana, kaya lang nadi-distract ako sa dialogue and action tag. Halos kasi lahat ng dialogue, nilagyan mo nito. Bumagal sa akin 'yong pacing dahil doon. Ang main purpose ng dialogue tag ay para malaman ng reader kung sino 'yong nagsasalita. Kung dalawa lang naman sila, bakit pa kailangan mong lagyan every line?
Kapag strong din 'yong dialogue, mafi-feel ng reader 'yong intensity ng emotion without the tags describing how the characters delivered their dialogue (i.e. sarkastiko niyang sagot, kinikilig nitong sabi). I'm not saying that they're wrong. Bawasan lang o gawin mong action beats para naman maiba.
B. CONFLICT
From the start, present na 'yong conflict, both internal and external conflict. Thumbs up ako pagdating dito.
Nando'n din 'yong tension. In fact, mahusay 'yong pagkakasulat para ma-feel ng reader 'yong emotion ng mga tauhan. I'm not sure lang kung okay 'yong strategy na ginamit mo sa chapter 6 nang isiningit mo 'yong flashback sa kalagitnaan ng action scene. For me, namatay 'yong excitement (tension) nang ipinasok 'yong flashback at hindi na na-regain 'yon no'ng bumalik uli sa action scene.
C. PLOT
Pinaghalo-halong genre ito – romance, action at fantasy – pero swabe 'yong pasok ng mga eksena. Consistent kasi 'yong tone, kaya feel ko na isang libro lang 'yong binabasa ko.