Entry # 4 - Da Ulap is Near on the Ground

483 6 0
                                    

Dear Diary,

  Its been 48 hours simula nung makita ko si Andrei dahil monday na ngayon diary, hindi ako nakapagsulat kahapon dahil wala naman interesting na nangyari saakin kahapon, diba dapat yung mga ikinikwento lang dito ay kung may magandang nangyari o masama pero wala talaga diary, eh ngayong monday meron, kani-kanina lang, mainit na mainit pang pangyayari, so eto na nga ikekwento ko na sayo.

Kanina naalala mo yung lalaking parang superhero na nagrescue saakin sa pambubully nung mga lalaking nasa 'Year of the Modern' daw, so yun na nga nakita ko ulit siya kanina at alam mo ba kung anong nagyari, eto ang nangyari.

Pagkatapos na pagkatapos ng aming klase, di syempre nag-ring yung bell at hudyat na iyon na aming recess, di syempre kapag recess ang favorite na subject ng mga tamad na estudyante dumidiretso sila sa canteen, pero ako pumunta din ako sa canteen pero ashuswal bumili lang ako ng pagkain ko tapos punta na ko sa favorite spot ko na bleachers, tapos nun habang kumakain ei may naramdaman ako na umupo sa aking tabi edi syempre nagulat ako kasi wala kahit sino ang tumabi saakin kahit kailan kasi nga daw ang baduy ko daw, tawag nga sakin ng mga classmate ko ei Mr. and Ms. Baduy kasi daw hindi daw nila alam kung babae ba ko o lalaki kaya ayun yung tawag nila, pero this time brad may tumabi saakin, at syempre tinignan ko siya at confirm siya nga yung lalaki na malasuperhero ang peg tapos alam mo ba biglang nagslow motion ang lahat brad kasi ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala shemssssss!!!!!! O to the M to the G ang gwapo tapos brad nakangiti pa parang prince charming ang datingan lakas makafairy tale nang aming scenery pero syempre hindi ko ipinapahalata, ang reaksyon ko non ei yung biglang nanlaki yung mata tapos bumalik sa character niya kasi naalala niya tomboy pala siya hahhaha, tapos nun bigla kong naalala si oppa Andrei ko, kaya nawala din yung pagkahanga ko kay prince charming. At nang matapos na ang slow motion scenery namin nagsalita na siya.

Ang sabi niya "Hi ikaw yung babaeng binubully ng mga lalaki nung isang araw diba, ako nga pala si Cloudie, cloudie Nine pero pwede mo kong tawaging cloud" sa isip isip ko buti pa siya pinapa-alala saakin na babae ako kahit na hindi halata sa suot ko, kino-consider babae parin ako yung iba kasi todo hiyaw la sa mukha ko na mukha akong lalake ang kakapal GG, pero back to the scenery hindi ako nakagalaw brad ang gwapo din nang boses niya di papatalo, pero naghihintay ang kamay niya kaya nakipagshake hands na ko, at nagsalita siya ulit "Ikaw anong pangalan mo? At bakit ka nag-iisa dito? Wala ka bang kaibigan?" hala ang dami niya namang tanong tatlo tatlo at sabay sabay palaban din daig pa imbestigador, pero nagsagot ako ng "ahh hehe dami mo namang tanong, pulis lang ang peg kyah, Janedrey pero drey nalang, oo wala akong kaibigan, ayaw nila sakin ei, panget daw ako" tapos nagsagot siya ng "huh hindi ahh kailangan mo lang siguro mag-ayos ng konte tsaka walang panget sa mundo... pero alam mo bago lang kasi ako dito sa school at wala rin akong kaibigan, ikaw ang napili ko, since naipagtanggol naman kita sa mga nang bubully sayo, pwede ba tayong maging friends?" sabi niya pero ang sabi ko "huh ayoko nga, so kaya mo ko kinausap kasi wala kang kaibigan, hindi ko kailangan, nang kaibigan iiwan mo lang din ako katulad nung dati kong naging kaibigan, pinagkatiwalaan ko sila, tapos nung nagkaroon na sila nang maraming friends iniwan din nila ko, kaya ayoko ng kaibigan, tsaka hindi ko naman sinabi sayo na tulungan mo ko sa mga mambubuly na yon, kaya hindi ko yung kasalanan, tsaka nag-thank you na ko sayo ah" sabi ko totoo naman ei wala silang kwenta ,saka nanumbat pa siya ei siya naman yung kusang nagtulong, sabi niya naman "Hindi ah, alam mo kaya kita napili kasi mag-isa kalang, tsaka hindi naman lahat ng tao pare-pareho na iiwanan ka, malay mo kaya ako dumating sa buhay mo kasi ako yung magiging solid na kaibigan mo diba, tsaka sige kalimutan mo na yung pagtulong ko bayad ka na, pero sige na please makipag-kaibigan ka na sakin" aba nagka-utang pa ko, pero oo alam ko na hindi pare-pareho ang ugali na mga tao pero hirap akong magtiwala, kaya iniwan ko siya, hinabol niya ko pero nagtatakbo ako ng mabilis, naglakad ako papunta sa next class ko.

Ayoko kasi na ma-involve nanaman sa ganyan, kasi yung nakaraan ko sinabi din nila yan, nangako sila na hindi nila ko iiwan pero ginawa parin nila, pero alam mo nung sinabi niya yun naisip ko, siguro nga baka nagkamali lang ako sa kanila pero siya baka siya na nga ang tama, hayyys sabi ko na nga ba masama ang kutob ko sa lalaking yun ei pinapa-alala niya sakin ang nakaraan ko.

Mabuti pa yung kay Andrei okay lang kasi, hindi ako masyadong masasaktan kapag nawala siya, kasi malayo ang distansya namin, pati na si Donny, hindi ako masyadong aasa sa kanya.

So yun na nga yung nagyari, isang roller coaster na araw nanaman ang dumaan sa akin sa susunod na lang ulit diary, lab lab you and nighty nighty.

---------------***---------------

Diary ng Slight na Titibo-tiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon