...Cebu. 12:00 nn...
Nadito na kami sa Hotel ng gaganapan ng convention namin. Ang ganda talaga sa Cebu. Bago kasi maglanding yung eroplano kitang-kita ang buong lugar. Napaka-refreshing. Nakakarelax. Bakit? Stressed ba ako?
Haha. Medyo shocked pa din kasi ako sa pag-amin ni Hyo Jun. Ewan ko ba. Masaya naman ako. Kaso, speechless ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tunay na nararamadaman ko para sa kanya. Ayaw ko siyang saktan kaya hindi ko muna sinagot kung papayag ba akong magpaligaw sa kanya.
Baka kasi masaktan ko siya kapag nadiscover ko na mahal ko pa din ang Kuya niya. Siguro, may nararamdaman akong kakaiba kay Hyo Jun. Pero, hindi pa naman love iyon. Basta. Magulo. Siguro after a month ng stay dito sa Cebu, makakapag-isip na ako ng maayos. Makakapag-isip na ako kung anong isasagot ko kay Hyo Jun. Ayaw kong madaliin ang lahat kasi di ba nga kaka-broken hearted ko pa lang kay Yun Joo. Hinay-hinay lang muna. Hehe.
Anyway, alam kong sincere si Hyo Jun sa sinabi niya kanina. Kaloka naman! Kailan pa kaya niya yun naramdaman? Nasaktan ko kaya siya nung mga time na yung Kuya niya ang laging bukam-bibig ko? Malamang! I'm sure naiisip din niya na mahal ko pa din ang Kuya niya. Hindi na naman, eh. Pero, malay ko ba? Baka umaasa pa din ako na babalik siya, eh.
"Auri. Tara na." Napalingon ako nang tawagin ako ng roommate kong si Kim. Close kami nito, kaya mamaya mag-o-open nga ako sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi may boyfriend itong si Kim, eh. Baka sakaling matulungan niya ako. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod kay Kim. Papunta na kami sa conference room. Ang daming tao, ha. Malamang! National convention, eh! Wahaha!
Auri, ha! Nasabihan ka lang ni Hyo Jun ng mahal ka niya natutuliro ka na! Ahehe. Anyway, di naman biro na sabihan ka ng kapatid ng ex fiancè mo ng mahal ka niya, di ba? Pero, swerte pa din ako! Umalis nga si Yun Joo... Nandito naman ang kapatid niya. Please, Auri. Alamin na natin ang tunay na nararamdaman mo kay Hyo Jun! Bago pa siya naman ang umalis bigla at hindi na bumalik.
"Auri, okay ka lang?" Tanong bigla ni Kim habang nasa kwarto kami. Maghapon kasi akong tulala. Kahit dun sa conference room, tulala ako. Buti na lang katabi ko si Kim.
"Kim..." Napatitig siya sakin.
"Problema sa puso 'no?" Nagnod ako. "Sabi ko na nga ba, eh. Alam ko na yan. Naranasan ko na yan, eh." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Bakit? Si Sir Yun Joo pa din ba?" Umiling ako.
"Yung kapatid niya." Napangiti naman si Kim. Umupo siya sa tabi ko.
"O? I-share mo na yan." Pagbibiro niya.
"Eh kasi naman... Kim... Nagtapat sakin kanina si Hyo Jun... Mahal daw niya ko. Alam kong namang sincere siya. Kaya lang ang problema ko, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw ko na naman siyang saktan." Salaysay ko.
"Hay... Love nga naman. Anyway, the question is, does he make you happy? Kapag kasama mo ba siya kuntento ka? Alam mo, Auri. Madaming basehan ang love, eh. Mahirap talaga matukoy kung pa'no mo malalaman na mahal mo ang isang tao." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ka na bata, alam mo sa sarili mo kung anong nararamdaman mo kapag kasama mo siya. Yung kahit kayo lang ang magkasama sa loob ng ilang buwan, hindi ka nagsasawa. Kahit kailan hindi magsasawang makasama siya, pasayahin siya, makita siya, alagaan siya." Napabuntung-hininga ako. Unti-unti ko nang narerealize ang gustong ipaintindi ni Kim. "Sana nakatulong yon. Wala na akong ibang masasabi, eh. Ganun kasi ang ginawa noon." Nagsmile si Kim sakin.
"Salamat, Kim. Malaking tulong yon. Madami akong narealize." Sagot ko naman.
"Sige. Maiwan na muna kita, ha. Saglit lang ako." Paalam ni Kim tapos lumabas na siya ng kwarto.
Narealize ko naman na hindi nga ako magsasawang makasama at makita si Hyo Jun. Na kahit maghapon, magdamag, isang linggo, isang buwan o higit pa ang dumaan na magkasama kami... Magiging masaya ako. Gusto ko siyang makasama sa mga oras na yon. Narealize ko tuloy na namimiss ko na si Hyo Jun. So... In love na pala ako sa kanya? Pero, kelan pa?