Chapter 11:
Gavin Hayes
Kasalukuyan kaming nanonood sa racing. Nandito kaming Aspire Gang para bantayan ang BSG. Hindi kami kompleto ngayon dahil may inaasikaso ang apat. Ang tanging kasama ko lang ay si Devon, Reighn, Razeph. Nakilala na ni Reighn si Wren kanina dahil sinundan niya ito at kinuwento kung anong nangyari. Nakilala daw niya ito base sa I.D na nahulog ni Wren nung may naka-laban daw sila. So, we assume na ang kasama niyang kaibigan ay parte din ng BSG.
I guess they are letting their guard down. Paano nalang pala kung hindi ang isa samin ang nakakita non? Maaaring malantad agad ang mga katauhan nila.
Hindi naman nila kami napansin kaya panay ang masid namin sa kanila. Lahat silang apat ay kailangan naming sundan at alamin ang buong pagkatao. Ewan ko bay kay tito kung bakit. Ito daw ay part ng aming mission at training. Agad akong napabalik sa ulirat ng magsalita si Devon. "Grabe, ano bang meron sa kanila? Bakit parang ang misteryoso nila." Tanong nito ng hindi inaalis ang tingin sa mga babae. Obviously, mga gangsters din sila kagaya namin. Pero kagaya nga ng sabi ni Devon, I think they are not just a gangsters but a mystery one.
"Para silang hindi mga gangster kung umasta. Ibang iba sila sa mga babae dyan sa paligid." Dagdag pa ni Reighn. Tama naman sila kasi ang makikita mo sa mga to ay moody, pa iba-iba ng mood. Kanina lang ay nagtatawanan pa ang mga ito pero maya maya biglang naging bored ng manood sila.
Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko at nagfocus nalang sa panonood. Nagtataka naman ako---kami kasi bakit ganon lang mag patakbo ang kaibigan nila. Swabeng swabe, relax na relax. Walang pakialam kung nauunahan na siya. Tanging sigawan sa kabilang side ang namumutawi. Paano ba naman sa side namin ay parang nanghihinayang dahil sa pusta nila na walang kwenta daw.
"Ayy ano ba yan! Bakit siya nagpapatalo??!"
"Undefeated siya sa racing bakit ganyan?"
"Omo! Nauunahan na si black"
"Sayang pusta ko dito pag natalo 'to!"
Ilan yan sa mga nasasabi ng tao dito sa side namin. Dahil ang pusta nilang mananalo ay si Brynn. Which is Black Dark ang codename o pagkakakilala sa kanya dito. Habang pinapanood ko siya ay nakabuo ng conclusion ang utak ko. "Ibang klaseng babae." Nasabi ko nalang ng unti unting nalalaman ang technique niya. Ang mga kaibigan naman niya ay bored na bored pa rin hanggang ngayon.
Hanggang sa ika-apat na lap na ay siya na ang nauuna. In just a blink of eye bigla nalang ay siya na ang nauuna. Nagsihiyawan naman ang mga tao sa side namin. Napapailing nalang ako habang pinapanood siya. Maya maya pa natapos na ang race na ang panalo ay siya. Agad namang lumapit sakanya ang mga kaibigan niya.
"Ano susundan paba natin sila?" Tanong ni Zeph kaya napatingin ako sakanya. Hindi ko ito pinansin at tumayo na. Sumunod naman sakin ang mga kaibigan ko.
Napansin kong nag-uusap si Brynn at yung kalaban niya kaya dumistansya muna kami. But that Brynn really looks familiar? Saan ko nga ba sya nakita? Medyo malayo kami sakanila kaya hindi namin narinig ang pag-uusap nila. Tumalikod na si Brynn sa lalaki at humarap sa mga kaibigan niya. Maya maya ay sumakay na ito sa kotse niya at narinig namin ang sinigaw niya. "Aquira Bar ulet! Dalian niyo." Rinig naming sabi niya at pinaharurut na ang sasakyan niya.
Mukhang kailangan namin silang sundan. Naman oh! Anong oras na. "Tara sundan natin." Sabi ko sa barkada at hindi na sila hinintay pa at sumakay nadin sa sasakyan. Pinaharurut ko na ito papuntang bar.
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
Novela JuvenilKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...