Aria's POV
Puyat ako pero I still managed to wake up early. Balak ko sanang i-surprise visit si Lucas. Parang dati lang lagi akong pumupunta sa kanila para i-surprise siya. Surprise visit. Naalala ko naman. Dahil sa surprise visit nasira ang magandang relasyon namin.
Medyo maaga pa naman kaya nakahiga lang ako dito sa kama ko habang nakatingin sa ceiling, nakatulala. Ang dami kong iniisip. Puro what if.
What if kung hindi naaksidente si Lucas? What if hindi nangyari ang nangyari noon? What if kami pa rin talaga ngayon? What if hindi naman pala talaga kami para sa isa't isa?
Isang bagay lang ang gusto kong isaksak sa kokote ko, hindi ko na mahal si Lucas. Hindi na dapat. Wala na dapat. Tama si Yuri, akala ko kaya ko na pero nung nakita ko ulit si Lucas parang lahat ng galit at sakit nawala at napalitan ng pagmamahal.
Hindi. Hindi to pagmamahal Aria. Hindi na pwede. Na-miss mo lang ang mga nangyayari ngayon. Madaling pasunurin ang utak pero ang puso hindi. Bakit ba kasi ganito?
I need to stop overthinking. Tumayo na ako para mag-ayos.
***
Nandito na ako sa loob ng bahay nila Lucas pero mukhang hindi pa siya gising. Wala naman ang mama niya. Hindi pa rin siya pinapayagan ng doctor na bumalik sa dorm ng nct kahit gustong gusto na niya dahil ang boring daw dito.
Wala rin naman kasing tao dito. Madalas si Lucas lang din. Masyado daw kasing magulo sa dorm ng nct sabi ng doctor at kailangan pa ni Lucas magpahinga ng maayos.
Pumunta na ako sa kwarto niya at ayun nga, tulog pa rin siya. Lumapit ako sa tabi ng kama niya at umupo sa sahig. Ang gwapo talaga ni Lucas no? Kahit may bakas pa rin ng aksidente na nangyari sa kaniya, nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan niya.
"Someday this scars will fade away boo." I said while scanning his face.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang may tumulong luha sa mata ko. The effect Lucas had on me.
"You're one of the greatest things happened to me, but you're also the most painful one Lucas." Ngayon ko lang nasasabi ang lahat ng ito dahil hindi ko kaya kapag gising siya.
Sa kakasalita ko ay nagising na siya. Sana hindi niya narinig ang mga sinabi ko.
"Good morning boo." I said.
Mukhang nagulat siya dahil lumaki ang mga mata niya. Bed face ang mukha niya at lalo siyang gumwapo.
"Ang aga mo naman ata ngayon Aria?"
"Hindi naman siguro masama kung bibisitahin ko ang boyfriend ko diba?" Sige Aria, pakatanga ka ulit.
Tumayo na siya mula sa kama niya at yutangina naka topless ang mokong. Hindi siguro ako mukhang manyakis ngayon diba? Tinitignan ko lang naman.
"Wag mo akong titigan Aria baka matunaw ang katawan ko." And I realized na nakakahiya ang ginawa ko. Para akong timang na nakatitig lang sa kaniya.
"Hoy ang kapal mo! Hindi ikaw tinitignan ko no! Tiyaka bat ka ba nakahubad? Magdamit ka nga!" Sabi ko sa kaniya pero sa gilid ako nakatingin.
"Hindi ko naman alam na pupunta ka agad Aria. Wag ka mag-alala libre lang naman tingin. Libre lang din hawak dahil ikaw ang girlfriend ko." Tinatawanan niya ako. Nakakahiya talaga.
"Kadiri ka! Magdamit ka na nga!" Tuloy pa rin siya sa pagtawa kahit nagsusuot na siya ng shirt.
"Tumigil ka na nga sa kakatawa Lucas! Susuntukin talaga kita."
"Ang brutal mo talaga Aria. Pero okay lang yan ang gusto ko." Inaakit ba ako nito? Dahil kung oo, oo naaakit ako.
Lumabas na ako sa kwarto niya bago pa ako mapahiya talaga ng tuluyan. Napaisip ako, siguro ang pinaka magandang gawin ngayon ay makisakay na lang din sa mga nangyayari.
Pero ayoko nang sanayin pa ang sarili ko sa ganitong sitwasyon namin ni Lucas, para sa huli walang masasaktan saamin.Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubusang maisip kung bakit nakayanang gawin sakin ni Lucas lahat ng iyon.
I want to promise myself. Hinding hindi ko na hahayaan ang sarili kong magkagusto pa ulit kay Lucas.
"Bakit pala ang aga mo ngayon?" asked Lucas.
"Wala lang. Wala akong magawa sa condo so I decided na pumunta na lang ng maaga dito." Kakalabas niya lang sa banyo at lumapit siya sakin.
"Kamusta pag re-review boo?" Oo nga pala, part ng morning routine ko ang pag re-review pero nawala sa isip ko.
"Nakalimutan ko mag-review." I said simply.
"Maaga pa naman. Let's get coffee? Tapos mag-review ka muna. Maaga pa naman. You need to review boo." I'm surprised kasi Lucas really knows kung gaano ko kagustong makapasok sa university na yun.
"Sige." Buti na lang dinala ko yung reviewer ko.
"Maliligo lang ako, wait here." Tumango lang ako at umalis na siya.
Tinignan ko ang phone ko kung may nag message ba sakin at nakita kong wala naman. Hindi ko na alam ang ginagawa ko, bahala na.
If this is really the second chance for us ni Lucas, then so be it. Susubukan kong tanggalin ang lahat ng sakit na binigay niya sakin. I just hope this will end nice.
***
a/n: maagang ud kasi alis ako hahaha neo series #4 will be up later!
BINABASA MO ANG
nostalgia ›› lucas
Short Story[ON-HOLD] ❝akala ko tapos na tayo, akala ko lang pala❞ ➵ Wong Yukhei ➵ neo series #3 ➵ epistolary x narration start: 18.05.15 completed: