Eto na yung araw na mag didisisyon na ako.
Mahirap man para sakin Pero dapat kong kayanin to.
Isang disisyon ang dapat mong malaman.Alam mo bang mahirap para
sakin bitawan itong salitang aking papakawalan.
Sa pagkat subra na kitang mahal
kaya ayaw sana kitang iwanan.
Pero hindi pa umaayun satin ngayun ang kapalaran.
Kaya hindi muna ako magpaparamdam.At hindi naman ako pinanganak kahapon para di ko maintindihan.
Sa mga kilos mong nagpapa hiwatig na hindi mo ako magugustuhan.
Sa mga mensahe mo palang
ramdam ko na ang kasiguraduhang ika'y napipilitan lamang na ako'y replayan.Hindi naman ako nag kulang sayo
na iparamdam na ikaw ay aking mahal.
Kahit na dumadating nasa point
na subra nakong masasaktan pero okay lang.Tangap ko kahit meron kang iba dahil alam kong sya ang nauna.
kaya siguro matatangap ko rin na hindi pa ito ang tamang panahon para sating dalawa.Ililigaw ko nalang muna ang puso ko sa kawalan.
Para kapag namiss mo ako hindi mo ito basta basta matatagpuan.
Ilalayo kuna muna sya sayo para makapag pahinga ito ,at ilalabas ko nalang ito kung kelan tama na ang panahon at pwede na tayo.
BINABASA MO ANG
Tula ng pusong Nasaktan
RastgeleAng salo-ubin ng pusong sawi sana inyong pakingan ang damdaming nasaktan at patuloy paring nasasaktan ..