I suggest you play dance with my father while reading this, pero kung ayaw niyo okay lang din. ;D
×××
May mga bagay talaga tayong nate-take for granted. Hindi natin nakikita ang halaga nito hanggang sa biglaan nalang itong mawala satin. Mapupuno ng 'kung sana' ang isipan natin.
Kung sana napahalagahan ko ito,
Kung sana hindi ko ginawa iyon,
Kung sana nagawa ko siyang makasama ng mas matagal pa.
Laging nasa huli ang pagsisi. We should cherish every people, every thing that comes to our life.
"Anak kakain na tayo" Aya sakin ng matandang hukluban. Tatay ko.
Tinignan ko ang ulam, sinigang. Paborito ko 'yun.
"Busog pa ko" Malamig na sabi ko at dumiretso ng akyat sa kwarto ko.
Alam 'kong sanay na sakin 'yang matandang 'yan. Lagi naman akong hindi nasabay kumain diyan. Simula nung mawala si mama hindi na nabalik yung samahan naming mag-ama. Sinisisi ko kasi siya sa pagkamatay ni mama. Siya kasi ang nagmamaneho nung gabing 'yon nang biglang may sumalubong sakanilang rumaragasang truck. Dead on arrival si mama sa ospital at ito namang matandang 'to, nabuhay.
Halos mag-iisang taon na rin simula nung nangyari yun pero hindi ko pa rin mapatawad ang lalakeng iyon. Alam 'kong hindi niya kasalanan yun. Hindi ko lang talaga matanggap.
Nasalubong ko si manang Fely bago ako makapasok sa kwarto ko. Kaming tatlo nalang ang natira dito sa bahay. Simula pagkabata ay si manang Fely na ang kaagapay namin. She's like a family to us.
"Hindi ka nanaman sumabay sa papa 'mong maghapunan Jane ineng. Ang tagal ka niyang hinintay kanina sa hapag-kainan, sinabi ko nga lang na kasama mo ang mga kaibigan mo dahil yun ang paalam mo sakin" Tipid lang akong ngumiti kay manang Fely at nagsabing matutulog na 'ko.
Agad akong nakatulog nung gabing iyon. Kinaumagahan ay nakita 'kong naghahanda nanaman siya ng pagkain habang naglalagay ng kubyertos si manang. Lumingon ang matanda sakin at ngumiti.
"Anak tara kain na tayo" Aya nanaman nito sakin.
Tinignan ko lang siya at nilingon si manang.
"Manang sa school nalang ako kakain, alis na ho ako" Dire-diretso akong lumabas pagtapos nun.
Pagod na pagod akong umuwi nang gabi 'yon. Madami kaming school work at may training pa ko sa volleyball. Nakita ko ang matanda na nakahiga sa couch at natutulog. Nilagpasan ko lang ito at 'di na nag-abala pang sabihin na nakauwi na 'ko.
"Nak andyan ka na pala, pinagtira ka namin ni manang nang ulam diyan, gusto mo bang ipaghain kita?" Paakyat na 'ko nang marinig ang matanda. At dahil gutom ako ay wala na akong nagawa kundi kumain kasama siya.
Tahimik lang akong kumakain habang siya naman ay nainom ng kape at pinapanuod ako. Pagtapos nang ilang minuto ay nagsimula siyang magsalita.
"Panigurado kung nakikita 'ka lang nang mama mo ngayon, matutuwa 'yun kasi alam mo namang botong-boto 'yun sa paglalaro mo ng volleyball, kamusta na nga pala sa school 'nak?" Pinagpatuloy 'ko lang ang pagkain 'ko. Narinig ko namang bumuntong-hininga lang siya. Mabilisan 'kong sinubo ang natitira sa plato ko at nilagay iyon sa lababo. Nang paakyat na ko sa hagdan narinig ko nanamang magsalita ang matanda.
"Goodnight nak, tulog 'kang mahimbang ha" And for the nnth time hindi ko siya kinibo at umakyat na.
Sabado nang tanghali bumaba ako. Napakunot ang noo ko ng makita ang maraming putahe sa hapag-kainan. Anong meron ngayon?
BINABASA MO ANG
Dear Anak
RomanceDate started: May 20, 2018 Date published: May 22, 2018 ××× All Rights Reserved 2018