Feelingera 4: Unexpected

78 4 0
                                    

•~Ariela's Point of View~•

Busy kami ngayon dahil marami kaming projects at thesis na ginagawa. I'm so damn tired. Kanina pa ako nagugutom but I don't have choice not to finish this dahil kailangan na naming ipass 'to bago matapos ang klase.

At sobrang saya ko nang sa wakas ay natapos na namin 'yun bago nga matapos ang klase. So it means uwian na namin.

"Wohoooo! Makakakain na tayo bessy sa wakas at makakapag pahinga narin. Ahu ahuuu. We're going home."

Napatingin ako kay Diane nang kinuha na nito ang kanyang mga gamit at ready ng umalis.

"Aalis ka na bessy?" Tanong ko rito.

"Yep, bakit?"

"Wag kang assuming jan. Hindi pa tayo pwedeng umalis hangga't hindi pa natin napapass ang mga ito kay Professor Liam." Sabi ko habang hawak hawak ang tinapos naming projects at thesis.

Individual kami syempre sadyang kami lang talagang dalawa ni Diane ang magkasama kapag ginagawa namin ang mga projects at thesis namin. We don't socialize with others even though marami naman ako/kaming friends sa mga kaklase namin. Gusto talaga namin kaming dalawa lang.

Napasimangot ito. "Ikaw nalang mag-isa ang magpass nyan kay Professor Liam bessy pwede naman e,"

"Hindi pwede. Dapat TAYONG DALAWA. Hindi pwedeng ako lang kaya wag ka ngang magreklamo jan Diane." Talagang diniinan ko yung salitang 'tayong dalawa' para naman di na sya umangal pa. Kapal ng face nya ano nya ako yaya para utusan magpass ng mag-isa nitong mga projects at thesis namin porke mag bestfriend kami? No way! Tsk.

Padabog na kinuha nito sa akin ang mga projects at thesis namin tsaka inirapan ako.

"Ako na ang magdadala nito para tumigil kana kakatalak jan. Nakakarindi ka Ariela kung alam mo lang... Ayyy ngayon alam mo na pala." Sabi nito at nag umpisa ng maglakad palabas.

"Tara na." Aniya.

Inirapan ko nalang sya at sumunod na sakanya palabas.

Matapos naming ipass ang projects at thesis namin kay Professor Liam ay nagpaalam na sakin si Diane pauwi at ganon rin ako sakanya. May kanya kanya kaming service pero yung sakin hanggang ngayon wala parin.

Aish! Where the hell are you Kuya Carlito?  Please dumating ka na!

At dahil wala pa nga si Kuya Carlito ay naghintay muna ako sa may waiting shed dito sa tabi ng school namin. Mga thirty minutes akong naghintay bago ko nakita ang kotse namin na paparating sa kinatatayuan ko ngayon. Finally he's already here.

Pumasok ako sa loob ng kotse at sinimangutan si Kuya Carlito.

"Bakit ngayon lang kayo? Ang tagal kong naghintay and I'm so damn tired and hungry too for pete's sake! Myghad!" I rolled my eyes and look at the mirror beside me.

Ang dyosang tulad ko dapat hindi pinaghihintay! Dahil hindi ako marunong maghintay agad akong naiinis!

Sumilip ito sa rear view mirror at humingi ng pasensya sakin.

"Pasensya na Ariela ang mama mo kasi may bisita sa bahay nyo at ayaw ako nitong paalisin dahil ako raw ang maghahatid pagkatapos sa mga bisita nyo. Sinabi ko na susunduin na kita sa eskwelahan mo pero ayaw talaga ako nitong paalisin. Pinaalis nya lang ako nang ang Papa mo ang nagsabi na sunduin na raw kita dahil siguradong kanina ka pa naghihintay at kaya ngayon lang ako. Pasensya na talaga." Mahabang paliwanag nito.

Namuo ng galit ang buong pagkatao ko nang marinig ko lahat ang sinabi nya.

"Okay lang po hindi nyo kasalanan." Nahihiyang sabi ko rito.

ARIELA FEELINGERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon