Chapter 4
Last night before going to bed, I drew Daisy's face in a blank paper like what I did for Lola Riri to find her. Today's going to be my operation: kilalanin at tulungan si Daisy.
Kasama ko ngayon ang apat na kaluluwang nakasunod lamang sa 'kin papasok sa hospital. No'ng una, umangal pa sila na huwag na silang pumasok pero dahil malakas sila kay Duke at Kurt na palaging tahimik, walang ibang magawa ang dalawa at sumimangot na sumunod sa 'kin.
"Kainis, sabing doon lang tayo, e." reklamo ni Keith habang binabangga pa ang balikat ni Mike.
"Aba, huwag ka nang tamad, Keith. Paasa ka na nga dun sa babaeng multong nakilala natin last week, hahayaan mo pang mag-isang pumasok si Aidee dito. Wala ka talagang respeto sa mga babae. Tsaka, chance na natin 'tong matulungan tayo, pre!" ani Mike.
"May pasyente po ba kayong Daisy dito noon, Miss?" I asked the nurse, around twenty five ang edad na may hawak-hawak pang clipboard. Naka-bun ang kaniyang buhok at napaka-fit ng kaniyang katawan sa suot niyang uniform nila.
Kumunot ang noo niya sa 'kin at tinagilid ang ulo niya na tila inalala ang pangalan na 'yon.
"Marami kaming pasyente na Daisy ang pangalan. May Daisy sa room 402, meron ding kalalabas lang—"
"No. I mean, Daisy na namatay na po. Pasyente niyo noon dito. Meron po ba?"
Napaawang ang bibig niya't agad na umayos ng tayo. Umupo siya sa swivel chair na nasa harap ng computer at may tinipa doon.
"Around what year ba siya namatay, Miss?"
Napatingin ako kina Duke na nakakunot lamang ang noo't sabay-sabay pang nagkibit balikat sa 'kin. Argh! I forgot to ask Daisy. Hindi naman siya nagkukwento sa 'kin kung kailan siya namatay. 'Di rin niya nababanggit sa 'kin.
"Apat Mata, ikaw palagi kasama ni Daisy, 'di ba? Dapat alam mo 'yon."
"Tama! Tama!" sang-ayon ni Mike, I don't know if he's nodding his head or not.
Napapikit na lamang ako't inalala ang taon na unang nagpakita sa 'kin si Daisy. It was a year ago. I don't know exactly pero parang last year pa nga.
Last year nga ba?
"Mga one year ago?" Patanong kong sagot dahil hindi ako sigurado kung tama ba 'yon.
Nagtipa ulit ang nurse sa keyboard at matapos ang ilang minuto, dismayado siyang umiling-iling tsaka tiningnan ako. Her red lips pouted in dismay, too.
"Walang Daisy na namatay last year, Miss. Meron kaming pasyente na Daisy last year, pero tanging naka-admit lang. Maraming Daisy dito, pero hindi ko na mahagilap sa dami ng files."
Dismayado rin akong napatango't tumalikod mula sa nurse. Bago pa ako makahakbang palayo ay muli akong humarap sa kaniya't dali-daling kinuha ang tinuping papel na nasa bulsa ng shoulder bag ko. Nakalimutan kong may litrato pala ako kay Daisy!
Pinakita ko 'yon sa kaniya at bumungad ang nakangiting mukha ni Daisy na ginuhit ko.
"Itong bata na 'to pala, Miss. Naalala mo po ba siya?"
Kunot noo niyang tinitigan ang ginuhit ko. Her forehead wrinkled, trying to remember Daisy's face.
Oh God. Sana maalala niya.
"Pamilyar siya pero hindi ko na maalala. Wait, tanong ko sa kasama ko."
Tumango-tango na lamang ako't hinayaan siyang dalhin ang papel sa katrabaho niya. Naghintay pa ako ng ilang segundo at pagbalik ng nurse, kasama na niya ang kapwa niya nurse na may blonde na buhok na naka-ponytail.
BINABASA MO ANG
Melancholy Of Us
Короткий рассказ✓ | In a world full of living, Aidee Montes can only see death.