MistakenXXX
"Ate pabili nga po ng palamig." Sabi ko.
Sinilip ko ang phone ko kung may reply na sya. Hanggang ngayon wala pa rin sya.
"Ito na yung palamig mo ineng."
Dumiretso ako sa dating kong inupuang pwesto pagkakuha nung palamig.
Ako pala si Zoe Baltazar. Nandito ako ngayon sa park. Naghihitay ako ngayon sa 3-month boyfriend ko.
Akala ko dahil summer vacation na mayroon na kaming oras para sa isa't isa pero mas dumalas lang lang ata kami magkita. 6 days ago na kase yung huli naming kita.
Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya naisipan kong ako na mismo magaya na magdate kami at kahit di pa sya nagrereply nag ayos na agad ako.
Napabuntong hininga ako ng sa ikalimang silip sa phone ay wala pa rin syang reply.
Kanina pa akong 5:30 pm nandito at almost 1 hour na akong naghihintay.
Inilibot ko ang paningin sa park. Napangiti ako ng may makitang couple na may LQ. Nagtatampo ata yung boy dun sa girl dahil panay yakap yung girl sa kanya.
Nang magsawa ako sa kakapanood sa kanila tumayo ako at naglakad lakad muna.
Sinilip ko ulit ang phone ko pero walang pinagbago. Di ba sya pupunta?? Akala ko pa naman excited din syang makita ako. Sana nagtext man lang sya kung di sya pupunta para hindi na ako maghintay at umasang dadating sya.
Napadako ang mata ko sa bandang kaliwa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita sya. Napangiti ako bago tumakbo papunta sa kanya.
"Mike!!!" Sigaw ko.
Niyakap ko sya mula sa likuran.
"Mike, miss na miss na kita."
Pero sana pala di ko na lang ginawa.
"Uhm. Miss??"
Napabitaw ako agad ng hindi pamilyar ang boses nya. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino sya.
"S-sorry po, a-akala ko kase
k-kakilala ko. Pasensya na." Sabi ko."Zoe."
Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nagulat ako ng makita ko siya.
Ilang segundo na muna kaming nagkatinginan bago sya naunang umalis.
Lumingon ulit ako dun sa lalaki at humingi ng pasensya.
"Ok lang. Sige alis na rin ako."
Tumango lang ako tsaka sumunod kay Mike.
"Ano yun??" Tanong nya agad pagkaupo namin sa isang bench.
"A-anong ano yun??"
"Sino yung kayakap mo??"
"Di ko sya kilala, akala ko kasi ikaw yun kaya niyakap ko."
"Di mo kilala?? Ha. Natagalan lang ako may kalandian ka na??" Sinabi nya yun ng parang walang paki.
Nasaktan naman ako sa sinabi nya.
Di ko naman sinasadya na mapagkamalan ko yung lalaking yun na sya, tapos kalandian na yung nasa isip nya??"Ibig sabihin, nabasa mo yung message ko sayo??" Tanong ko na nakakunot ang noo.
Nakatingin lang sya sa akin at di sumagot.
So nabasa nga nya? Bakit di man lang sya nagreply?? Sana sinabi nyang mahuhuli sya.
Bigla akong nalungkot.