Naiintindihan ko

46 3 0
                                    

NAIINTINDIHAN KO NAMAN BAKIT HINDI MO AKO MAGUGUSTUHAN...

"Hindi kasi ako katulad niya na parang bulaklak. Isa lang kasi akong damo na kahit may kakaiba sa akin, damo pa din ako, hindi kailangan sa hardin.

Para kasi tayong term sa math, isang perpendicular line. Ako yung vertical line, at ikaw yung horizontal line. Pababa ako ng magtagpo tayo pero lumampas ka dahil para sayo, kakilala mo lang ako.

Para kang pasaway na driver at ako ang signal lights at siya ang oras kasi naka-red light ako pero dahil wala namang natawid, nagpaandar ka pa din kasi hinahabol mo siya.

Siguro kaya may hamog kasi para tayong ulap, hangin at lupa. Ako yung ulap, siya yung hangin at ikaw yung lupa. Pilit kitang inaabot ngunit ang nakakalapit lang sayo ay ang hangin.

Siya ang yong buwan, at ako naman ang isa sa bituin dahil sa dami ng bituin, sa buwan ka lang tumitingin.

Para tayong sa photography, ikaw ang camera man habang may hawak kang DSLR, mas pinili mo na magFocus sa isang subject (siya) kesa ang wide shot.

Dahil sa tag init, siya ang aircon, ako ang electric fan, mas gusto mo siya dahil mas nagiginhawaan ka.

Sa nasusunog na gusali, ikaw ang apoy, siya ang fire extinguisher, ako ang tubig, siya ang unang panlunas.

Parang ikaw yung sahig, ako yung floorwax, siya yung bunot, siya ang dahilan bakit ka kumikintab.

Mas gusto mo siya dahil siya ang branded item, ako naman ang locally made. Mas mahal siya, kaya maipagmamayabang mo."

©DontMindThisGirl_

Ikaw, Ako at SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon