A/N:
Pasensya na kung mabilis ang pangyayafi, kailangan lang talaga eh. Ieedit konaman po ito.Facebook: AnathemaKid WP, usap tayo. Kung sino man po ang may gusto.
Kabanata 2
That day, sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Di ako makakain,makatulog, basta nakaupo lang ako sa labas ng morgue, hinihintay si Kuya.
Si kuya na walang buhay.
Si kuya na maputla.
Si kuya na di na ako maaalagaan.
Si kuya na makulit.
Si kuya na mahal na mahal ako.
Iniwan na ako, at nagsisisi ako bakit naisipan pa namin na pumunta sa batis noong araw na iyon.
Kalahati sa akin ay sinisisi ang sarili sa nangyari at ang kalahati ay purong galit sa may kagagawan nito. Hindi ako bulag, alam ko na may kinalaman ang itim na nilalang na iyon sa nangyari sa kuya ko.
Tinignan ko ang mga litrato na kuha ni kuya sa camera ko nang nahagip ng mata ang itim na parati kong nakikita sa isang kuha ni kuya. Duon, sa likod ng puno na nasa likod namin ni Jezz. Nakasilip,pula ang mata at masama ang tingin... kay kuya..
"Fuck!" mura ko.
Tatlong araw na binurol si kuya. Tulala si Mama at tahimik naman si Papa. Alam ko kahit na di nila sabihin, may kasalanan ako sa nangyari sa kuya ko. Ngayon ang huling gabi ni kuya, maraming nakidalo kasama na ang mga kaklase at kaibigan ni kuya.
" Condolence po"
Ganyan ang paulit ulit na sinasabi nila habang ako'y nakatanga. Nakatingin sa kabaong ng kapatid ko pero malayo ang iniisip ko.
Nailibing na si kuya, si Mama at Papa nasa tabi ko na tahimik din. Nandito kaming tatlo sa kwarto ni kuya. Diko mapigilan na lumuha dahil sa naaalala ko lahat ng mga ala ala namin dito. Dito ko lagi sya binubulabog kapag may assignment ako lalo na sa Math. Matalino kasi si kuya.
Nung mga panahon na naghahabulan pa kami dahil lang sa chichirya, nagbabatuhan ng unan at nagtatagu taguan.
Nabalik ako sa ulirat nang narinig ako ang paghikbi ni Mama. Duon ko lang din napansin na marami na pala ang luha na kumawala sa aking mga mata.
"Fred!!!" sigaw ni MamaNapahagulgol na rin ako dahil sa pagsigaw ni Mama.
"Anak!!"
Yakap ni Mama ang litrato ni kuya habang nakasandal sya kay Papa na nagpipigil ng luha.
Ngayon ko lang nakita na umiyak ang mga magulang ko ng ganito at napakasakit na makita ang lahat ng ito.
Niyakap din ako ni papa kaya mas lalo akong umiyak. Ilang oras din kaming nasa ganoong posisyon bago maghiwalay sa pagkakayakap.
"Kailangan nating magpakatatag Mahal, lalo ka na Flynn."
Nahimasmasan na ako kaya di na umiiyak pa.
"Opo Papa, para kay Kuya."
Lumipat kami ng bahay mula Villa Portugal ay lumipat kami sa Tarlac.
Maganda rin ang Tarlac kaya nagustuhan ko rin. Kumpleto lahat ng establishimento kaya mas lalo akong naengganyo.
Dalawang taon na rin ang nakalipas simula noong mawala si Kuya.
Mahirap, napakahirap para sa amin na mag move on dahil sobra ang pagmamahal namin kay kuya. Kinaya namin lahat ng pananabik sa kanya. Eto kami ngayon at mag uumpisa ng panibagong buhay, kasama ang Pamilya pati ang mga ala ala ni kuya.
BINABASA MO ANG
Anathema
Mystery / ThrillerKaligayahan, paano kung sa oras na maligaya ka may mangyayaring hindi maganda ? Pipiliin mo pa rin bang maging maligaya? Anong kapalit ng mga kaligayahan mo? Matatapos ba ang delubyo kung 'di ka kikilos ? Sa paanong paraan? Ikaw lang ba ang may gani...