Kabanata 3
"Happy 19th Birthday Flynn!" sigaw ni Cienna na kadarating lang sa bahay
"Excited ka pa sa'kin ah ?" sabi ko habang inaayos ang mga pinggan para mamaya" Eto naman di ako mapagbigyan."
"Oo nalang sige." napipilitan kong sabi
Natapos kami sa pagkain ng pamilya ko at ni Cienna kaya nag umpisa na ang mga kantahan sa bahay. Ang iba ay sumasayaw na dahil sa kalasingan. Di ako gaanong uminom dahil sa sinabi ni Papa."Anak may pupuntahan lang kami ng Mama mo ah ?, nasa shop pa ying regalo namin sa'yo." si Papa
"Pa bukas na, matulog na tayo." sabi ko
"Okay anak."
Nagising ako sa pagtawag ni Papa sa akin. Alas onse na pala nang umaga.
"Hello pa?"
"Is this Flynn Besson?" medyo tarantang sabi ng lalaki sa kabilang linya
"Yes po, sino po ito?"
"I'm SPO1 Domingo, from Tarlac City Station, naaksidente po ang mga magulang nyo."
"H-huh?"
"Dead on arrival po ma'am."
"Flynn! Flynn!" si Cienna na kumaripas ng takbo papunta sa akin
"Cienn..." Nanghihina na ako sa nalaman ko
"Oh my God Flynn." naiiyak na sinabi ni Cienna
"Cienn, ano nang gagawin ko? di ko na alam." duon, tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.
"Condolence Flynn" anang mama at papa ni cienna.
"Salamat po tito,tita."
At duon, malayo sa bahay namin, natanaw ko ang itim na nilalang na panigurado akong sanhi ng lahat ng ito. Gusto kong magmura, gusto ko syang habulin ngunit nawala din agad.
Nandito kami ngayon sa bahay at tahimik ang lahat. Ang mga kamag anak namin sa Villa Portugal ay nagsidatingan na rin.
Wala na akong mga lolo at lola dahil maaga silang nawala, parang sila Mama at Papa lang, pati si kuya.
"Flynn nandito lang ako ah? kami nila Mama. Magpakatatag ka Flynn."Si cienna
Last night na nila Mama at Papa. Wala na akong luha na mailabas dahil sa kakaiyak ko mapa umaga o gabi man.Si Cienna ang tanging naging sandalan ko sa mga araw na nakaburol ang mga magulang ko.
Dinaan muna namin ang mga labi nila Mama at Papa sa simbahan.
"Miss Flynn, ikaw na." abot ng mic sa akin ng pari para sa mga huling salita ko para sa mga magulang ko
"Ma,P-pa." yun pa lang ang nasasabi ko ay nag umapaw nanaman ang mga luha ko
"Bakit ang aga ? i-iniwan nyo na akong mag-isa.Sino nang mag aalaga sa aking ngayong wala na kayo?" sinikap ko na mas liwanagan ang pagsasalita ko para maramdaman nila ako.
"Wala na si kuya, bakit pati kayo umalis pa?. Diko alam kung saan ako magsisimula, di ko alam kung makakaya ko pa ba ?.Ma,Pa, tulungan nyo naman ako.Diko kaya na mag isa,masakit isipin na habang buhay na di ko na kayo makikita. Mahal na mahal ko kayo,pati si kuya.Ang magagawa ko lang naman ngayon ay tanggapin ang lahat.Magiging matatag po ako para sa inyo."
Pagkatapos kong magsalita sa harap ay tinapos na ng pari ang misa.
Nakayakap ako kay Cienna habang pinagmamasdan ang mga magulang ko na binubuhat muli.Paalam..
"Flynn, tara na mainit dyan." si Cienna
"Dito na muna ako cienn, gusto kong mapag isa"
"Sige,dun lang kami."
Nakaupo ko ngayon katabi ng pinaglibingan nila mama at papa. May puno sa tabi nito kaya may silong ako kahit papaano.
Isang oras akong nakatanga duon, nang napansin ko na may kasama pala ako malapit sa akin.Sa tingin ko ay sing edad ko lamang.Lalaki sya.
Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang lungkot at pangungulila sa mata nya.Parang pareho kaming nararamdaman sa mga oras na ito.
"Biktima ka ?" tanong nya
"Huh?"
"May namamatay sa pamilya mo pagkatapos ng saya tama ba ako?"
patuloy nya"Bakit mo nalaman ?"
"Biktima ka nga" natatawang sabi nya
" Anong ibig mong sabihin?"
"Everytime na may nangyayari nakikita mo sya ?"
"S-sino?" may ideya ako ngunit ayokong pangunahan baka magkamali ako.
"Yung black demon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Yung itim na parang tao?" tanong ko
"Yun, at alam mo ba na sya ang dahilan ng lahat ng ito ?" sabi nya at lumapit sa tabi ko
"May ideya ako pero di ako sigurado."
Ang araw na yon, ang una naming interaksyon ni Jewel, nalaman ko na pareho ang dahilan ng pagkawala ng miyembro ng pamilya namin.Ang black demon.
BINABASA MO ANG
Anathema
Mystery / ThrillerKaligayahan, paano kung sa oras na maligaya ka may mangyayaring hindi maganda ? Pipiliin mo pa rin bang maging maligaya? Anong kapalit ng mga kaligayahan mo? Matatapos ba ang delubyo kung 'di ka kikilos ? Sa paanong paraan? Ikaw lang ba ang may gani...