INCUBO INSANE

26 0 0
                                    


"Incubo Insane"

Isang tipikal na araw na naman ang natapos. Agarang ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama. Ako si Ashley, dalawampu't isang taong gulang. Kakauwi ko lang galing sa pinapasukan kong trabaho bilang isang saleslady sa isang kilalang mall. Maya-maya pa'y habang nakahiga ako, unti-unti nang sumara ang aking mga mata, kailangan ko ring magpahinga dahil sa dami ng ginawa at sa pagod ko.

"Lara..."

"Lara..."

"Lara..."

Dahan-dahang kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad agad sa akin ang isang matandang lalaki. Bakas sa mukha ng matandang lalaki ang panghihina at takot. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. 'Nasaan ako?' tanong ko sa isipan ko nang makita ko ang mga miserableng itsura ng mga tao na nakapalibot sa amin.

"L-Lara... W-Wag kang mag-alala, nasa ligtas na lugar na tayo." Sabi ng matandang lalaki.

Akma akong hahawakan ng matandang lalaki ngunit agad ko itong hinawi.

"S-Sino ka? N-Nasaan ako?" Sunod-sunod na tanong ang natanggap ng matandang lalaki galing sakin.

"Ako ito.. Si Lolo Arseng mo..." Pagpapakilala ng matanda.
"Nasa abandonadong ospital tayo Lara para magtago, hinahabol tayo ng mga--"

Hindi na natapos pa ni Lolo Arseng ang kanyang sasabihin, dahil agad akong tumakbo palabas. "LARA! DELIKADO SA LABAS!" Hindi magkandamayaw na sigaw ni Lolo Arseng habang hinahabol ako. Sino ba namAng hindi magugulumihan kung makakita ka ng mga taong hindi mo kilala diba? Nang makalabas na ako ay nakita ko ang dalampasigan, nagkalat ang mga parte ng katawan ng mga tao at dugo. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang halimaw! Mayroon itong dalawang malalaking sungay at nakakatakot na mukha, papalapit na ito sa aming pwesto ngayon!

Napaatras ako bigla. Napansin kong nagsilabasan ang matutulis at matatalas na kuko nito sa kamay, mabilis na tumakbo ito papunta sa amin. Hindi ko na maigalaw ang kahit anumang parte ng katawan ko dahil sa takot, nasa harapan ko na siya at handa na ang mga kamay niya para paslangin ako. Napapikit nalang ako habang hinihintay ang pagdapo ng mga matutulis nitong kuko sa akin. May biglang tumulak sa akin... Si lolo Arseng. Nagitla ako nang biglang itarak dito ang matutulis na kuko ng halimaw. Mangiyak-ngiyak na sumigaw ako dahil sa takot at awa sa matanda na di ko naman talaga kilala. Sa pagkakataong ito ay bumalik na ang ulirat ko at agad akong kumaripas ng takbo palayo sa halimaw. Kahit parang nanghihina na at nanginginig na yung mga tuhod ko ay dire-diretso parin ako sa pagtakbo. Nang lingunin ko ang halimaw ay nakasunod na pala ito sa akin kaya mas binilisan ko pa ang pag-takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Mabilis na ang pagtakbo ko ngunit papalapit na sya sa akin, mas lalo ko pang binilisan nang mahawakan na nito ang dulo ng suot kong damit.

"LARA!"

Hindi ko alam pero kusa akong lumingon sa boses na tumawag sa pangalan na iyon. Tila nagkaroon ako ng pag-asa. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak na isang shotgun at nakatutok ngayon ito sa pwesto namin ng halimaw na humahabol sa akin. "Tulungan mo ako!" Mangiyak-ngiyak kong sabi. Bigla namang pinaputok ng lalaki ang shotgun sa halimaw at agad itong bumulagta. Napatigil ako sa pagtakbo, napaluhod at humagulhol. Naramdaman ko nalang na may bigla yumakap sakin... Yung lalaki. "Lara... Wag kang mag-alala, ako ang magpoprotekta sayo... Ligtas ka na." Mahinahong sabi ng lalaki habang nakayakap parin ito sakin. Kumalas ako sa pagkakayakap nya. "S-Sino ka?" Tanong ko. Nakita ko sa mukha nya ang pagtataka. "Ako ito.. Si Lucas." Agad namang sagot nito. "Tara na! Hindi namamatay ang halimaw na yan! Maya-maya ay magigising ulit yan!" Nang marinig ko iyon ay agad rumehistro sa utak ko ang salitang 'takas.' Agad na akong tumayo, hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad na umalis sa lugar na iyon.

INCUBO INSANE (One Shot Story)Where stories live. Discover now