Chapter 4: Night Sky

17 0 0
                                    


August 31, 2018


Nak?"

Rinig kong pagtawag sakin ng nanay kong nasa kusina habang nandito ako sa kuwarto, tinatapos yung assigment kooooo. Nakakainis naman to e ansarap ibalibag. Yung assignment, di si Mama.

"Yes mader?"

"San ka?"

"Kuwarto poooo."

Siguradong may mahalagang sasabihin 'to sakin. Siya na mismo punta dito sa kuwarto e. Pero kapag ako ang papapuntahin niya doon, malamang uutusan niya ako. Alam niyo na yun.

Narinig kong bumukas ang pinto ng aking kuwarto at tumambad doon amg kambal ko. Chos. Kambal ko sa ilong. Parehas kaming pango.

"Why mader?" Tanong ko habang ipinagpapatuloy parin ang hindi ko matuloy-tuloy na di ko masolve solve.

"May seminar kami sa Regional Office, hanggang Tuesday ako doon. Since weekend naman, papayagan kitang magstay sa kung saan ko gusto. Basta uwi ka dito nang Sunday ng hapon ha? Bawal absent."

Ah, nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo. Elementary teacher si Mama. At si Mama nalang meron ako kaya pag wala siya, mag-isa ko dito sa bahay. Sad.

Napatigil muna ako sandali at nag-isip kung saan ba pwede. Wala naman akong barkada shuta. Ah teka. I have an ideaaaaaa.

"Maaaaaaaaaa," saad ko na para bang nagmamakaawa at nanliligaw at the same time with matching payagan-mo-ako look.

"Ooooooooo?" Paggaya naman niya sa ginawa ko which led us to a lil bit of laughter.

"Pwede kila Ate Dangdang? Hehe."

"Nako, yan na naman sinasabi ko Scarlet ha. Buti sana kung bahay nila yun. E dun ka sa bahay ng---"

"Maaaa. Mabait naman sila e.

"E sa namimihasa ka."

"Pangalawa palang naman bukas e."

"Sino ba binabalik-balikan mo don?"

"Si Ate Dangdang," pagfe-facepalm ko.

"Sus," bato niya sakin with matching kakulit-mong-bata-ka look.

Sa huli'y napapayag ko rin si Mama. Hindi dahil pinayagan talaga niya ako. Kundi dahil masyado akong makulit. E sa wala naman kasi talaga akong ibang matatakbuhan e.

Tsaka miss ko na si Ate Dangdang. Tapos si Luke. Dejoke, harot.

Speaking of, di kami nawalan ng communication. In fact, pati nga bandmates niya nakakachat ko rin minsan. Lmao.

Masaya naman sila kausap. And I felt a lil comfortable ulit nung nalaman kong mas gusto nila yung mga kantang old but gold kesa sa mga new pero nakaka-pakyu.

And yung nangyari nung gabing yon. Putangina. First kiss ko yun pero 'kalimutan nalang natin para walang ilangan. Sorry a, di ko kasi alam na big deal pala sayo yon.'

Pero okay lang puta. Yung susunod nalang na hahalik sakin ang ituturing kong first kiss. Bat kasi uminom ako, puta ulit.

Pasalamat siya marunong ako magpretend na walang nangyari nang walang naganap na ilangan.

Euphony: Her VoiceWhere stories live. Discover now