Trisha's POV
"Friends?" Tanong nya at tumango naman ako at tumakbo papunta sa kwarto ko habang ngiting tagumpay!
Nagtitili ako sa unan at kinikilig parin.
This is one of the happiest day of my life! Nakakakilig!
Pakiramdam ko mahihimatay ako sa sobrang kilig. Inalok nya lang akong maging kaibigan pero epic ng epekto sakin.
Pero kahit naman die hard fan girl ako hindi naman ako inlababo sakanya. Haahahahaha~ crush lang.
Naligo na ako at nagjeans at black plain shirt dahil plano kong bumili ng sketchpad dahil ubos na ung pages nung huli kong sketchpad.
Bibili rin ako ng bagong artkit dahil pangit na ung dati kong mga color pencil. Kinuha ko ung bag ko at isinakbit na sa likod ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kwarto ni Darren.
"Uhmmm.. Darren, maiwan muna kita dito. May bibilhin lang ako." Sabi ko at nilingon nya ako. Dahil nakaupo sya sa tapat ng study table sa kwartong iyon at nagsusulat.
"Pwede sumama?" Nagulat ako sa tanong nya dahil hindi ko iyon inexpect.
"Baka may makakita sayo." Sabi ko pero nagsuot sya ng bonet at ng salamin ng parang pangharry potter. Naglagay din sya ng fake braces.
"Gwapo pa rin." Sabi ko at napataklob ako sa bibig ko. Namumula na naman ako waaaaaaaaaahhhhhh! Nakakahiya! Narinig nya ung sinabi ko!
"Pero hindi naman nakabraces si Darren Espanto kaya madaling sabihin na kamukha ko lang siguro un." Sabi nya at ngumiti.
"Sige ikaw po bahala." Sabi ko at kinuha nya lang wallet nya at nilagay sa bulsa. Lumabas na kami at sumakay sa jeep.
"Dalawang SM po yung bente." Sabi ko.
"Kita mo yung lalaki? Kamukha nya si Darren."
"Oo nga noh? Tas kasama nya yung magandang babae?"
"Bagay sila."
"Pero ang gwapo ni Kuya ha?"
"Maganda rin naman ung girl."
"Ang cute couple nila, bagay na bagay."
Namula nanaman ako sa mga naririnig ko. Ang ganda ko daw? Hahahahahaha~ patawa sila! Bagay daw kami? Eh? I love you na mga 'te!
"Bagay daw tayo." Lalo akong namula nung pinatulan ni Darren ung mga sinasabi ng dalawang babae.
"Namumula ka nanaman." Natatawang sabi ni Darren at napataklob lang ako ng mukha.
"Wag ka mang asar. Kinikilig ako." Sabi ko at tinawanan nya lang ako.
"Mayron bang bababa sa SM?" Tanong ng driver.
"Meron po!" Tugon ko at tumigil sa tabi ang jeep.
Bumaba na kaming dalawa at ndumiretso kami sa national bookstore.
"Bakit ka pala nagpunta dito?" Tanong nya out of the blue.
"Sketchpad and a new artkit. Bibili rin ako ng bagong notebook kasi puno na isa kong notebook ng tula at kanta." Sabi ko at naramdaman kong napatigil sya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Mahilig ka magsulat ng mga tula at kanta?" Tanong nya.
"Oo.. sayo ko nga nakuha confidence ko eh. Kinakanta ko din sya, may mga tono na din. Vinivideo ko pero never tumaas confidence ko na ipost yon." Nahihiyang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Home (Darren Espanto Fanfiction)
Historia Corta(Short story) What if the one that made you feel so much pain is your idol? Started: 05-23-18 Finished: 05-25-18 Edited: 04-16-20