Trisha's POV
Isang buwan na ang nakalipas at mas naging malapit kami ni Darren. Pinilit nya ako na ipost ko sa youtube yung mga kanta ko dahil malaki potential ko kuno.
Kung dati konting ngiti lang ni Darren ay sasabog ako sa sobrang kilig at mamumula.
Ngayon ay medyo nasanay na ako sa presence nya at naging close na din kasi kami.
May mall show kami ngayon at special guest nya daw ako buisit talaga sya nakakainis pinilit nya ako kahit hiyang hiya ako. Kasi sa isang buwan na lumipas ay sumikat ang mga kanta ko pati na rin ako. Marami good comments sakin. Pero may mga bad comments like pasikat daw ako masyado.
Psh sang banda ang pagiging pasikat sa ginawa ko? Shinare ko lang talent ko.
"Good evening, Darrenatics!!!" Sigaw na bati ng emcee at rinig ko ang sigawan.
Dapat nandun lang ako ngayon, nakikisigaw, kinikilig, hihilingin na sana ako nalang ung towel na gamit ni Darren sa pagpunas ng pawis, sana ako nalang ung bote na iniinuman nya, sana mahawakan ko kamay ni Darren pag bumaba sya sa stage, sana magtama kami ng mata, sana magkaron ng ruffle at maging maswerte akong mabunot, etc.
Kala ng iba madali maging fangirl dahil support lang naman tinatrabaho namin para sa idol namin.
Pero hindi nila alam na mahirap din maging fangirl lalo na at alam ng bawat isa samin na we can be his fan but never his girl. Yung tipong alam namin ang buo nyang pangalan pero kami hindi nya naman kilala. Yung pinagyayabang namin sya sa karamihan pero pinapasalamatan nya kami in general lang. Well di naman kasi nya trabaho na kilalanin lahat ng fans nya as long as naaappreciate nya kami sapat na samin. Sa dami ba naman namin.
Yung tipong kahit hindi kami ung nagmomall show o concert, isa kami sa mapapaos dahil sa pagsigaw. Yung tipong pag malungkot yung idol namin, pati kami nalulungkot.
Pag may nangbabash sakanya isa kami sa pumoprotekta sakanya dahil nga kami ang supporter nya. At handa kaming maging shield para hindi sya masaktan ng sobra.
"Handa na ba kayo?! Tatawagin na ba natin ang ating Darren Espanto?!" Masiglang tanong ng emcee at rinig ko ang malakas na oo ng bawat isa sakanila.
Kahit iba iba ang loveteam na sinusuportahan ng Darrenatics, hindi mababago non na Darrenatics kami.
"Bago natin tawagin ang ating Darren Espanto ay may special number tayo kay Dianna Francisco!" Sabi ng emcee at bumilis tibok ng puso ko at tiningan si Darren.
"Kaya mo yan. Goodluck." Sabi nya at bitbit ang aking gitara ay naupo ako sa upuan sa gitna ng stage na nakalaan para sakin. Nagsigawan ang mga Darrenatics.
"DIANNA!!!!"
"HIHINTAYIN NAMIN ANG ALBUM MO!"
"DARRIANNA!!"
"WOOOOOOOO!!"
"GO DIANNA!!!"
"DARRENATICS DIN YAN DATI!!!"
Rinig ko ang suporta nila at medyo kinilig naman ako lalo na don sa loveteam hehe..
"Hindi lang dati, Darrenatics parin ako ngayon." Sabi ko sa microphone at nginitian ko sila. May dalawang mic sa harap ko isa nakatapat sa gitara at isa sa akin.
"WOOOOOOOOO!! HUMBLE DIN YAN!"
"DARRENATICS FTW!"
"GO DIANNA!"
"THE WAY YOU SMILE PO!!"
Narinig ko yung mga request nila at naibsan naman ang kaba ko dahil sa suporta nila.
BINABASA MO ANG
Home (Darren Espanto Fanfiction)
Short Story(Short story) What if the one that made you feel so much pain is your idol? Started: 05-23-18 Finished: 05-25-18 Edited: 04-16-20