Uno

95 5 0
                                    

Year 1982

Dalawampung taong gulang ako sa panahong ito, fine arts ang kurso na kinuha ko sa isang sikat na Unibersidad sa Maynila.

Araw araw kaming nag lilibot sa buong campus para maghanap ng tao, bagay, halaman o mga sceneries na aming iguguhit.

Sa loob ng tatlong taon e hindi ko pa nararanasan gumuhit o magpinta ng tao, ang tanging laman lang ng sketchpad ko ay mga halaman, bagay at mga lugar.

August 2 1982

Kaarawan ko ngayon, pero as usual nasa labas na naman kami ng mga klasrum namin para maghanap ng ipipinta o iguguhit namin.

Sa pag li libot libot ko ay naka abot ako sa dati kong pwesto, kung saan ako unang nag pinta.

Umupo ako sa dati kong pinag pwestuhan at mag sisimula na sana akong gumuhit ng may mapansin akong umupo sa harapan ng kinakaupuan ko.

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong segundo lamang ang lumipas pero nakaramdam na'ko ng kakaiba, sa tatlong segundong yon' e nakaramdam ako ng pag bilis ng tibok ng puso ko.

Maganda, matangos ang ilong, chinita, maputi at matangkad na sa tingin ko ay may pagka mahiyain.

Naka tulala lang ako sakanya habang siya naman ay nag susulat sa kanyang maliit na notebook, ito na nga ba ang sinasabi ng karamihan na pag ibig?

Nang makabalik na'ko sa katinuan ko ay agad kong kinuha ang sketch pad at lapis ko na pinatong ko sa katabing upuan ko.

Naisipan ko siyang iguhit, pasimple ko lamang siya tinitingnan para hindi siya maka halata.

Malapit na sana ako matapos ng pag tingin ko sa pwesto kung saan siya umupo e wala na siya.

Simula nung nakita ko siya doon ay lagi na ulit ako tumatambay doon sa lugar kung saan ko siya nakita, kung saan ko nakita ang first love ko.

Hindi naman ako nagkamali at maya't maya may umupo sa harapan ko, noong una ay nagkatinginan kami at ngumiti siya nng bahagya saakin, pero umiwas agad ako ng tingin dahil nahihiya ako.

Gayun pa man ay nag simula ulit akong tapusin ang aking ginuguhit, ganon' pa rin, pa sulyap sulyap lang sakanya hanggang sa natapos ko ang ginuhit ko.

Napakaganda niya kahit sa larawan. Sabi ko sa isip ko kaya't napangiti ako, pero pag tingin ko ulit sa kinakaupuan niya e wala na naman siya doon'

Dibale, natapos ko na naman na, mabuti na iyon.


Patakbo akong bumalik sa fine arts building at dali dali kong linagay ang mga gamit ko sa aking locker.

Patakbo rin akong bumaba at lumabas ng fine arts building dahil gusto ko sana siyang hanapin at matanong ang pangalan niya.

Linibot ng mga mata ko ang buong paligid kung saan siya umuupo, hinanap ko na siya kung saan saan pero hindi ko parin talaga siya mahanap hanggang sa napag desisyunan kong bumalik nalang ako sa building.

Dahil din siguro sa lungkot na nararamdaman ko e napayuko na lang ako

'Aray'

Nakabangga na pala ako ng tao dahil bukod sa wala ako sa sariling nag lalakad e hindi naman ako naka tingin sa linalakaran ko

"Pasensiya na miss" Sabi ko habang tinutulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niya

"Miss eto na o, pasensiya na ulit"

Nang maibalik ko ang gamit niya ay natulala na naman ako. Isa, dalawa, tatlo, eto na naman, sa tatlong segundong iyon ay mas lalo ko siyang minamahal.

'Okay lang, uhm miss may dumi ba'ko sa mukha?'

"Ah e, wala naman, bakit mo natanong?"

'Kanina ka pa kasi naka tingin saakin e'

"Ay ayun ba? Pasensiya na"

'okay lang yun, sige mag iingat ka sa pag lalakad, baka may butas dito bigla ka na lang mahulog don' pag bibiro niya

"Salamat, haha"

Naglakad nako pabalik ng building dahil alam ko ay makikita ko pa siya ulit

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twénty OnèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon