Intro

622 20 3
                                    

Hello!  (^0^)/

Gusto mong gumawa ng story pero hindi mo alam kung pano simulan? O nakita mo lang yung link, cover or title tapos na-curious ka kaya ka napadaan? Baka naman wala kang mabasa kaya naghanap ka tapos napadpad ka dito ng dimo namamalayan? Ano pa nga bang pwedeng dahilan? Hmmm... wala na akong maisip e. hahahaa

Hayaan mong sabihin ko sayo kung anong nilalaman ng mga nakasulat dito para pwede mung i-exit yung page kung hindi ka naman pala intresado. Toinks! Hehe... Baka kasi masayang oras mo, mahiya naman daw ako. (>u<)7

Ginawa ko ito para mag-share. Hindi ako nagresearch kung paano nga ba rules and regulations pagdating sa paggawa ng story. Bale experiences ko ang mga mababasa mo nyan. Bigla nalang kasing dumating sakin nun na parang, "Ay! Gusto ko ring gumawa ng kwento." Okay, kumuha ako ng lapis at papel tapos biglang, "Ay? Anong isusulat ko?"

Iwagayway kamay ng mga naka-relate!  (*u*)/

Ayan, may ideya ka na kung anong meron sa next page. Feel free to close this window kung pakiramdam mo na wala naman mangyayari kahit mabasa mo yung mga chuvachenesses ko bago ako nakagawa ng story. (^_^) Pero kung intresado ka, abay hayaan mo kong sabihin sayo yung mga pumasok sa kokote ko habang nag-iimagine ng kung anu-ano. Yebah!

Inform nga pala kita na bago lang ako pagdating sa paglikha ng kwento. Uhm, wag sanang maghusga? O kaya manlait ng gawa? Kasi pwedeng mas matagal kana pala kesa sakin kaya kahit tama ang ibang mababasa meron ding mali. Pwede ring maging sang-ayon ka, pwede ring hindi. Ayun... hihihi.    (^-^)v

And yes, patapos na introduction! Wahaha! Meron sana akong maitulong sayo. May malaman ka sana pagkatapos mong mabasa yung mga eklavush ko pagdating sa paglikha ng story. Masaya ako ngayon sa ginagawa ko kaya gusto kong mag-share. Naniniwala kasi ako na, "Lahat ng tao ay pwedeng gumawa ng kwento. Kailangan lang ng inspirasyon para maihayag ang nasasaloob nito." Yung iba naman masaya ng nagbabasa kaya hindi na nila ma-express sarili. Nasa hilig na rin siguro. Ganyan talaga, kanya-kanya ng gusto yan. Nyahahah!

Good luck and God speed!

-->BelomaCassidy™

✎ Creating a Story with BelomaCassidyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon