* First Move *

317 20 9
                                    

Chapter Seven

===

SSP

(Yes. Ayos na po ma'am)

Yung flowers

(Meron na rin po)

Eh yung chocolates

(Madami na rin po)

Yung gitara napatono niyo na ba?

(Opo ma'am)

Wala na bang kulang?

(Yung bayad niyo na lang po)

Anong tingin mo sa akin. Hindi magbabayad? Kilala mo ba ang kinakausap mo?

(Pasensya na po Miss San Pedro)

No. I'm Miss Padilla. Bye bye moron.

(Call ended)

Stupid hoe. Nakakastress. Dapat sa iba na lang ako nagpatulong. Pero do bale na lang. Kailangan ko nang maghanda. Mabuti na lang rin at walang Kate na magbibigay pa ng sakit ng ulo sa akin.

"Para saan yun?"

"Ay palakang paharang harang sa daan."

"Anong palaka ka dyan."

"Bakit ka kasi nangugulat."

"Eh para saan nga iyon?"

"Wala."

"Anong wala? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Nakakatampo ha. Parang hindi kita sinamahan kahapon sa pagdadrama mo."

"Hindi ako nagdadrama kahapon. Nag-iisip ako kaya ako nakatulala."

"Wag mo akong lokohin. Wala kang isip."

"Pakyu sampo. Aish. Liligawan ko si Bench. Masaya ka na?"

"ANO? Diba gf niya na si Lexie? Oyyyy Oyyyy. Umayos ka nga."

"Naku. Pinapaselos lang ako ni Bench."

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo."

"Support lang bakla. Ayos na sa akin."

"Wala akong ganoon. Wag ka nang umasa."

"Tse. Dyan ka na nga. May pagkain dyan sa ref. oh diba, mahal pa rin kita kahit inaaway mo ako palagi."

Wala na akong narinig na response mula sa mabait kong bestfriend. Patalsikin ko na rin kaya ito? Syempre, hindi ko magagawa iyon. She's my kryptonite. Chos!!!

Sabado ngayon. Walang pasok. And yes. Sisimulan ko na ang plano ko. Mapapasaakin ka rin Bench. Lumabas na ako sa gate dahil naghihintay na sa akin ang delivery ng bobong tinawagan ko kanina.

"Thank you ma'am. Para saan po ba iyan? Eh sa ganda niyong iyan dapat hindi na kayo nagpapadeliver ng ganito kasi for sure marami ang nagbibigay sa inyo."

"Unang una, hindi ko kailangan ng opinion mo. Pangalawa, alam kong maganda ako. Pangatlo, naawa ako sa kompanya mo kaya nagpadeliver ako. Pangapat, umalis ka na sa harapan ko."

Umalis na siya. Nakakaloka. Ang dami niyang alam. Di na lang magpasalamat. Mga tao talaga ngayon. Oo.

Tumingin ako sa tapat ng mansyon namin. Yes, ang mansyon ng Padilla. First step. Ano nga ba ang first step? Nasaan na yun? Hala. Kainis naman. Pinaghirapan ko pa man ding iresearch kagabi. Pero di bale, anong ginagawa ng brain ng isang muse? Kaya ko ito!!!

It's 7:30 in the morning. May oras pa ako para magpaganda.

"Kuya Jon. Pakidala naman po ito sa sala. Magpapasalon lang ako."

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon