Para Kay J

6 1 0
                                    


Naalala mo yung araw na humingi ka ng tulong sakin para makausap mo yung kaibigan ko? Naalala mo noon nung halos magmakaawa ka sakin mapansin ka lang ng kaibigan ko? Naalala mo noon nung halos maging tulay ako dahil yun ang gusto mo.

Masakit isipin na akala ko may pag-asa na ako sayo noong nalaman natin parehas na hindi ka gusto ng kaibigan ko. Masakit isipin na kahit ganoon ang nangyari, wala pa rin akong kwenta para sayo.

Ginawa ko naman lahat para mapansin mo ko. Naging tulay ako sa inyo kahit masakit, kahit hindi bukal as loob ko, yun kasi yung hiling mo.

Pero nung nalaman mong hindi ka gusto ng kaibigan ko, nilayuan mo ako.

Naalala ko noon, nagpapapansin ulit ako sayo. Kinukulit-kulit kita at sinasabing huwag kang mawalan ng pagasa. Sinabi ko sayo na i-try mong kulitin ulit yung kaibigan ko. At sa pangalawang pagkakataon, naging tanga ulit ako ng dahil sayo.

Bumalik yung closeness nating dalawa dahil nakikita mong may progress kayong dalawa ng kaibigan ko. Sa mga mata mo kitang-kita yung saya.

Nasabi ko non sa sarili ko, "Maging masaya ka dahil sobrang saya ng taong gusto mo kahit hindi ikaw ang dahilan noon. Maging masaya ka kahit kunwari lang." Ngumiti ako ng pilit pagkatapos non.

Simula non, palagi ka ng nagkwe-kwento tungkol sa nangyari sa inyo. Kung anong ginagawa nyo. Kung saan kayo pumunta. Kung anu-anong kine-kwento mo.

Pero isang gabi pumunta ka sakin ng umiiyak. Yumakap ka sakin non at sinabing,"Bakit ganon ginawa ko naman lahat para magustuhan niya din ako pero bakit wala parin akong pagasa sabi nya." Ako din. Ginawa ko din lahat pero hindi mo pa din ako nagustuhan. Malungkot lang akong ngumiti non sayo.

"Kung sana sayo na lang ako nagkagusto, di sana hindi ako umiiyak ng ganito," tuloy pa din sa pag-iyak na sabi mo. Sana nga, di sana ako nahihirapan ng ganito, sa isip ko.

Pero pagkatapos nung araw na iyon, hindi mo na ulit ako kinausap. Magkasama tayo sa iisang room ng hindi nagpapansinan. Lagi-lagi tayong nagkikita pero parang hindi natin kilala ang isa't-isa. Sa tuwing magkakasalubong tayo, hindi nagtatagpo ang ating mga mata.

Palagi akong nagmumukmok sa loob ng kwarto tuwing gabi, tahimik na umiyak araw-araw at iniisip lahat ng ginawa ko para sayo.

Naalala ko, may isang araw na pumasok ako sa room, nakita kitang may kausap na babae. Hindi ko pinansin 'yon dahil ganon ka palagi. Malapit ka sa mga babae kaya hindi na din ako nagtataka sa tuwing may babaeng umiiyak ng dahil sayo. Isa na ko don, sa isip ko.

Malandi ka kasi. Kinakausap mo lang ang mga babae na parang normal lang at para wala lang 'yon sayo. Pero para sa mga babaeng kinakausap mo, halos magulo ang mundo nila kapag ginawa mo 'yon.

Pero sa mga sumunod na araw, napapansin kong palagi mo ng kasama ang babaeng iyon. Marami akong naririnig na kung ano ano tungkol sa inyo pero ni isa don wala akong pinaniwalaan hangga't hindi ko naririnig mismo sa bibig mo.

Lumipas ang halos isang buwan at nakita kitang may dala-dalang bulaklak. Nilagpasan mo ako non kaya napatingin ako sa likuran ko kung saan ka pumunta.

Binigay mo yung bulaklak sa babaeng palagi mong kasama. At noong araw na iyon, monthsary nyo na pala.

Ang bilis. Kayo na agad? Akala ko ba gusto mo yung kaibigan ko? Pero naisip ko, baka rebound mo lang yung babaeng 'yan. Baka ginagamit mo lang para makalimot ka.

Nakita kitang umiyak dahil sa kaibigan ko kaya imposibleng makalimutan mo agad sya. Kaya naisip ko, sa una lang yan, pansamantala lang. Iiwan mo din sya.

Pero pagkalipas ng mga ilang buwan, nakikita ko parin kayong magkasama. Kayo parin talaga. Simula non, sinimulang kong kalimutan ka.

Naghanap ako ng ibang pagbibigyan ng atensyon. Hanap dito, landi doon. Ang daming dumaan sa akin na lalaki na sinubukan kong magustuhan.

Sa nagdaang taon nakahanap ako ng isa. Akala ko siya na. Akala ko makakalimutan na kita. Akala ko lang pala dahil sa huli ikaw parin talaga.

Alam kong may bago ka na. Pero hindi ko parin talaga mapigilang masaktan kapag nakikita ko kayong dalawa na magkasama.

Nakakatawang isipin na hindi naman naging tayo pero umiiyak ako na parang tanga na parang niloko mo ko. Na parang naging tayo.

Ikaw. Ikaw parin talaga hanggang ngayon. Ako lang talaga yung in denial na tinatanggi na wala na.

Bakit dahil sa mga titig mo lang, yung halos isang taon kong pinaghirapan na kalimutan ka, nawala lahat na parang bula. Yung halos isang taon kong sinubukang kalimutan yung nararamdaman ko para sayo, bigla na namang lumabas. Nabuhay na naman yung puso ko dahil sa mga titig mo.

Malapit na. Malapit na kitang kalimutan eh pero nakakainis nang dahil sa mga titig mo, unti-unti na namang nalulusaw yung puso ko.

Ang sakit pala talaga kapag nakikita ko kayong sweet. Kapag nakikita ko kayong naglalambingan, nag-aasaran. Na minsan ko ding pinangarap na sana ako 'yan. Na sana maranasan ko yan kasama ka. Nakakainggit sobra.

Sinasabi ko na wala na. Pilit kong sinasabi sa isip ko na wala na. Pero ang totoo pala, meron pa.

Na kahit anong gawin ko, isang galaw mo lang, isang titig mo lang, lahat ng pilit kong kinakalimutan bumabalik na naman.

Tinatanong ko yung sarili ko, "Bakit kailangan kong mag move-on sayo? Bakit kailangan kitang kalimutan? Hindi naman naging tayo." Pilit kong hinahanap yung sagot dyan pero kahit saan hindi ko mahanap.

Naiisip ko palagi ang turing mo lang naman sakin, isang kaibigan na laging nandiyan kapag kailangan mo lang.

Sobrang sakit. Para akong nasa isang kulungan na hahatulan ng kamatayan nang hindi alam kung anong ginawang kasalanan.

Bakit ang saya saya mo na habang ako nandito pa din nakakulong at umaasang magugustuhan mo.

Wala kang ginawa. Hindi naging tayo. Hindi mo ko niloko pero nasasaktan ako ng dahil sayo.

Ikakasal ka na lahat-lahat pero ako nandito pa din, stuck sayo.

Oo. Maraming taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa din kita makalimutan.

Sana lang may makahanap sakin at mailabas ako sa kulungang ito. Sana lang dahil sobrang hirap na hirap na ko. Gusto ko ding sumaya katulad mo.

Maging masaya ka sana sa piling niya. Mahalin ka sana niya higit pa sa pagmamahal ko sayo.

Congatulation sa inyo! Best wishes, Justin.

Love,
Coleen

A Love UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon