Feelingera 5: Bitches

119 6 0
                                    

•~Ariela's Point of View~•

Napahinto ako nang biglang may apat na babaeng humarang sa dadaanan ko at ngumisi ang mga ito. Sa tingin ko parang nakita ko sila kanina nung nakikipagsiksikan ako at parang isa sakanila ang nagtulak sakin kanina.

I took a deep breath before I speak to them.

"Umalis kayo sa dadaanan ko." Mahina ngunit madiin na pagkakasabi ko.

Imbis na umalis sila ay tumawa lang sila. Inaasar ba nila ako? Umiinit na ang ulo ko sakanila. Kapag hindi ako kumalma baka kung anong magawa ko sakanila.

"Ayoko ng away dahil marami pa akong gagawin kaya umalis na kayo at padaanin nyo na ako."

Pinaikutan ako nung babaeng mukhang gorilla na sa tingin ko ay mas maputi pa ang paa ko kesa sa mukha nya. Haha pwe. At sa tingin ko rin ay sya ang leader ng mga ito kaya bossy sya kung kumilos.

"Kung ayaw namin... Anong gagawin mo?" Nakangising sabi nito sa akin at parang hinahamon ako nito base sa tono ng pananalita nya.

Ano ba naman yan. Kung kailan marami akong gagawin tsaka pa umepal ang mga babaeng 'to. Hindi pa naman ako pumapatol sa mga mukhang palaka! Hahaha pwe!

Tinignan ko sila isa isa at sa tingin ko mga transferee student sila kaya siguro hindi nila ako kilala.

Nginitian ko sila. "Hindi nyo ba ako kilala?"

"Seriously? Well, our answer is a big NO." At tumawa ang mga ito with matching nakahawak pa ang kamay sa bibig. Ang piling naman nila masyado. Ang sarap paghahambalusin ng bakal ang mga mukha nila. "Dapat ka ba namin kilalanin lampa girl?" Dagdag pa nito.

Ano raw? Tinawag nya akong lampa girl? Coming from her? What the fvck!? Hindi ako lampa! Sadyang may nagtulak lang talaga sakin kanina kaya ako na out of balance at nadapa. Pero hindi ibig sabihin ay lampa na ako agad. Mga walang commonsense tss.

"Ako lampa? Para sabihin ko sayo hindi ako lampa at kahit kelan hindi ako naging lampa kaya ayusin mo yang pananalita mo at baka lagyan ko yan ng sandamakmak na sili para hindi kana makapagsalita pa ulit." Seryosong sabi ko.

At teka, tama nga ako. Hindi nga nila ako kilala. Kaya pala kung umasta sila sakin ay parang kayang kaya nila ako dahil alam nilang wala akong kaya at mahina ako.

Si Ariela Monzana ay sinabihan ng mahina at lampa? Duh! Feelingera lang ako pero hindi ako lampa. Baka manginig sila sa takot at maiyak kapag nalaman nila kung sino ang babaeng sinasabihan nila ng lampa.

"At hindi nyo nga talaga ako kilala? Pwes sige magpapakilala ako sa inyo---"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang umepal yung isang babaeng kasama nila. "Hindi ka namin kailangan kilalanin. Wala kaming pakealam sayo kung sino ka man. Ang gusto lang namin ay lumayo ka sa Greggy namin dahil alam naming magkakilala kayo at parang may something sa inyo nang magtitigan kayo kanina."

At umepal din yung isa. "Oo nga. Wala kang karapatan kay Greggy namin dahil ang pangit pangit mo lang at hindi ka maganda tulad namin kaya kung ako sayo lubayan mo sya."

Hindi na naman ako nakapagsalita nung umepal na naman yung isa. Sige na nga papabayaan ko na muna kayong magsalita ngayon at pakikinggan ko muna ang mga walang kwentang pinagsasabi nyo.

Pero sisiguraduhin ko na kapag ako na ang nagsalita, matakot na kayo.

"Look at your face. Ang dami mong pimples at yang hair mo parang walis. Hahaha. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang itsura mo dahil halata namang poorita ka lang. Hindi ka namin ka level kaya wag na wag mo kaming babanggain." At nagsitawanan ang mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ARIELA FEELINGERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon