Fine.
"Ay siya sige, oo na magkakilala na kayo." Sabi ni Ate Shanne. "So, ayun Ysabhella, btw, magpipinsan nga pala kaming lahat." Sabi naman ni Ate Shanne.
Wow. Grabe, so paano naging kakilala nila sina Cheska?
"Ah, ay paano po niyo nakilala sina Cheska?" Tanong ko.
"Halos magkapitbahay lang kami nila Cheska and Gab. Same subdivision. So, bale lahat kami nasa iisang subdivision. Si Arabella naman, kakauwi lang ulit niya dito galing Canada and si Austin, magkapatid silang dalawa." Pagpapaliwanag niya.
Sabi na nga ba eh, magkapatid sila.
"Austin is studying here. Then si Ara ay sa Canada nga nag-aaral. Then Si Calvin, ako, and Francesca ang magkakapatid. Si Aldrin naman, solo siyang anak. While si Dylan and Kirstine, sila yung magkapatid. Bale sina Dylan yung permanent na nakatira dito." Maliwanag na sabi ni Ate Shanne.
So ganon pala. Pero gusto ko din tanungin bakit ganoon ang ugali ni Dylan, feel ko kasi talaga maaattitude siya. Kaso ba't ganon? Iba naman nung una? Ibang-iba yung pakitungo niya nung unang encounter namin. Anong nangyari ngayon? Bakit ganon na makitungo yun? Kaso wag na lang.
"Saan nga pala kayo galing?" Tanong ni Cess. "Ang tagal niyo eh, kanina pa kami nag-aantay ng pizza." Dagdag pa nito habang binubuksan na yung isang box ng pizza.
"Nagdaan pa kami kina Adrienne kasi nakita namin sina Gab." Sagot ni Calvin habang umiinom ng coke.
Shete. Ito ba yung sinasabi ni Gab na mga katropa niya?
Damn. Ang liit pala talaga ng mundo?
"Oh, kuha na kayo habang mainit-init pa." Cess, habang nilalapag sa lamesa yung box ng pizza.
Kumuha na din ako at nagsimula na namang kumain.
Nag-umpisa na namang muli silang magkwentuhan at ako, eto tahimik na namang muli. Nakikinig na lang ako sa kanila kasi nahihiya pa akong makipag-usap ng una sa kanila.
"Psst." Dinig kong tawag ni Austin pero di ako nalingon kasi hindi naman ako sigurado kung ako yung tinatawag niya. Tsaka ayaw ko naman maging assuming.
Diretso lang ako sa pagkain ng pizza. Habang kumuha na din ako ng coke at uminom.
"Uy! Psst." Tawag muli nito.
Bakit naman ako lilingon? Eh hindi naman ako yung tatawagin nun. Tsaka luh, hindi naman kami close eh, kaya bakit niya ako tatawagin?
"Hey, Ysabhella." Banggit nito.
This time, since tinawag niya ang pangalan ko, saka ako lumingon at pagkalingon ko sa kanya, nakatingin din sa akin si Calvin tsaka sina Cess.
"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako pinapansin." Sabi niya.
Eh malay ko ba na ako pala yung tinatawag niya.
"Ay hala, sorry." Sabi ko na lang dito.
"Can I sit beside y--" hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi bigla siyang binatukan ni Cess.
"Anong kalandian yan Austin? Hindi ka man lang mahiya, kakakilala lang natin sa kanya tapos nalabas na naman pagiging playboy mo." Si Cess habang nakatingin na din yung mga pinsan nila at kaml sa kanilang dalawa.
Tumawa sila tapos natawa na lang pati si Austin.
Napatingin naman ako kay Dylan nang hindi ko alam kung bakit. Andon siya katabi ni Austin, tahimik lang, parang may sariling mundo, hindi man lang tumawa o kahit anong reaksyon. Basta't busy lang siya habang naglalaro ng kung ano sa kanyang cellphone.