Symptom XI

847 49 23
                                    

From the journal of Patient Sixteen written under the initials of CTL dated in 6 of July 2001; voice recorded by Dr. Quirrero

E L E V E N T H S Y M P T O M:

warning:portrayal of self-harm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

warning:
portrayal of self-harm

1

"I'M SORRY, I didn't ask beforehand if it's okay with you."

Mula sa madilim at nagniningning na kalangitan ay lumipat ang paningin ni Juliet sa kanyang likuran kung nasaan ang kanyang pasyente. Nanatiling nakaangat ang paningin ng huli sa langit, ang mala-abong mga mata nito ay blangko at tanging ang kalungkutan lang ang mga kumikislap sa mga ito.

Ganunpaman, isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang naglalakad palapit dito. Pinanatili niya ang isang metrong distansya mula sa tabi nito at muling ibinalik ang kanyang paningin sa mga bituin.

"It's alright, Miss Tanerr. I don't mind staying outside."

Umihip ang mabining hangin kasabay nang mabagal na paglagaslas ng mga dahon sa kahoy. Ang mga bulaklak na nakapalibot sa kanilang harapan ay sumasabay sa agos ng hangin.

"I'm sorry for calling you by your name, doc."

Nawala ang ngiti sa labi ng doktora at bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Nilingon niya ito at saktong sinalubong siya ng tingin nito.

Muling umihip ang hangin na may bahagya nang kalakasan. Tila saglit na bumagal ang paggalaw ng kanyang paligid na ultimo ang bawat kabog ng kanyang puso ay sumasabay sa ritmo ng paglagaslas ng mga dahon. Ang bilog na buwan ay sumasalamin sa malalim na tingin ng kanyang pasyente direkta sa kanya. Pakiramdam ni Juliet ay nanginginig ang kanyang mga binti.

Ibinuka niya ang kanyang labi upang magsalita ngunit kaagad din na napailing. Umiwas siya ng tingin at bumuga ng malalim na hininga. Isinuksok niya ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang white coat at ikinuyom ito.

"It's fine, Miss Tanerr."

Kumibot ang kanyang labi upang pigilang mapangiti but she failed. Isang beses niya lang narinig na tinawag siya nito sa kanyang unang pangalan. Ngunit imbes na makaramdam ng pagka-ilang ay tila pakiramdam niya ay nakawala siya sa hawla.

Her first name has never been used by anyone besides from her mother, her twin sister, and some of her alters. She was always been the Juliet. The Juliet who fakes a smile. The Juliet who doesn't know how to get mad as she always try to assess and understand the situation. The Juliet who seems a warm vibrant on the outside, but a deep void in the inside.

Thorns Of JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon