THREE//

24 3 0
                                        

Kinabukasan ay inaya pa nila ko bukas para puntahan ang reception nila. Gusto kasi ni Megumi na isama ko sa lahat ng pupuntahan niya specially sa pag-aayos ng mg detalye sa kasal nila ni Jetto. Hindi na ko tumanggi pa dahil gusto ko din naman maging maayos yung kasal ni Jetto kahit hindi ako ang bride.

Ngayon kasama ako ni Megumi sa isang shop kung saan  siya oorder ng mga sing-sing. Siya kasi ang bahala sa small details ng kasal at si Jetto naman dun sa mga big details, like receptions, invitations etc.

"Sige na pumili ka na kung ano ang magustuhan mong sing-sing yun ang kukunin ko." Sabi niya.

"Ayos lang ba yun? Ikaw ang ikakasal pero ako ang pipili ng sing-sing?" Pinahihirapan talaga ako ngayon ng sitwasyon. Pero pakiramdam ko tuloy ngayon ako ang ikakasal dahil ako ang pipili ng sing-sing nila sa kasal.

"Ano ka ba Nat, tiwala ako sa taste mo. Kaya siguradong magugustuhan ko lahat ng mapipili mo." Nakangiti niyang sabi. Wala na kong nagawa sa pagpupumulit niya sakin. Isa-isa ko na ngang tinignan ang mga glass stand ng mga sing-sing. Ang daming magaganda.

"Alam mo ba masaya ako at ikakasal na din si Jetto." Sabi niya. Hindi ako lumilingon sa kaniya dahil busy pa din ako sa pagtingin sa mga sing-sing, nasa tabi ko lang siya at sinusundan ako.

"Siguradong masaya din siya na sayo siya ikakasal." Sabi ko na hindi pa din inaalis yung tingin sa mga naka-display.

"Oo. Nakikita ko sa mga mata niya na masayang-masaya nga siya lalo na kagabi pagkapili namin ng gown. Kaya nga sobrang pinaghahandaan din namin ang araw na to."

Oo alam ko yun. Masaya siya sayo kaya naman sana alagaan mo siya ng husto, Megumi. Ipagkakatiwala ko sayo yung lalaking iningatan ko sa puso ko ng halos ilang taon. Para mawala yung awkward sa pagitan namin ay mabuti nakapili ako agad ng sing-sing. Simple lang yung bond niya tapos may maliit na bato sa ibabaw. Ganun lang yun pero napakaganda niya kaya naman yun ang napili ko.

Inorder na nga yun ni Megumi at pinalagyan pa niya yun ng initials. Susunod naming pupuntahan yung reception kung nasaan si Jetto.

"Nat, dito ka lang huh. May kailangan lang ako kausapin." Paalam sakin ni Megumi pagdating namin sa hotel na pagdadausan ng reception pati ng kasal.

Ang tema dun ay sa garden ng hotel ang veneu. Nakatayo lang ako dun sa may gilid at nakatanaw kay Jetto habang kinakausap niya yung mga organizer. Maya-maya ay nakita niya ko at nag-excuse muna sa mga kausap at saka ako nilapitan.

"Nandito na pala kayo. Nakaorder na ba kayo ng sing-sing?" Tanong niya.

"Oo. Bukas daw ay pwede ng kunin." Sagot ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon na dalawa lang kaming nag-uusap.

Still Into You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon