Kabanata 25. Sayawan

271 13 2
                                    

Mutya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mutya

Tasyang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tasyang

Natasha's POV

"O, i-enjoy ninyo ang gabi nyo ha." Sabi ni Ante Tuya,

"Oyang, huwag mong kalimutan i-text ang mama mo kapag pauwi na kayo." Paalala ni Angkol Syano kaya tumango naman si Oyang,

Naunang maglakad palabas ng jeep si Oyang. Tapos ay sumunod ako.

Nung natapos yung program kanina, pinauwi kaming lahat para maghanda para sa "Sayawan". Para daw itong prom night na exclusive lang for year 12 students. Kaya naman si Ante Tuya ay talagang pinapunta pa ang kumare nya para palagyan ako ng make up sa mukha, although I appreciate all her efforts so much. She even made the dress that I'm wearing right now. Yep, tahi nya mismo ang Mestiza na suot ko ngayon. Kaya pala sabi nya sakin ay huwag na akong mag-rent ng susuotin ko para ngayong Friday.

"Tasyang!" kumaway sakin si Mutya at Lino na kararating lang din at nakasalubong namin sa papasok sa gate,

"Mutya, ang ganda mo!" sabi ko, she actually is very pretty lalo na at nakaayos sya, pag normal school days lang kasi lagi syang mukhang haggard,

"Tse! Mas maganda ka!" sabi nya at tinapik ko sya nang mahina,

"Tasyang, napakaganda mo talaga." Sabi ni Lino,

"Salamat Lino." Ngumiti ako sa kanya, at inilipat ang tingin ko kay Oyang, tahimik na naman sya. Buti nga um-okay na yung mata nya,

"Tara na sa loob." Aya ko sa kanila, kaya naglakad na kami papasok sa loob at dumiretso sa function hall,

Gabi na at may mga naka-set-up na mga ilaw sa labas. Super ganda. Lalo na nung makapasok kami sa loob ng function hall. Literal na napasabi na lang ako ng wow plus jaw drop.

Dim lights, music, may mga upuan at table na naka-set up na para talagang JS prom, I never thought I would experience this as high school student. Usually kasi, kapag mga special event hindi ako pinapa-attend ni dad because he thinks it's a total waste of time. I need to stay at home and do something related to my training.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon