Trisha's POV
Pagkagising ko ay magtatanghali na at ramdam ko na medyo nag improve ang ankle ko. Naligo nako at nagluto ng brunch ko at tatawagin ko sana si Darren kaso....
"Umalis ka na nga pala." Sabi ko habang nakatingin sa kwarto nya. Nakita ko na may maliit na kahon sa gitna ng kama nya. Naupo ako sa kama at binuksan iyon.
TOL
Cursive na pendant na nakalagay ay iyan.
Wala pang isang araw na wala ka pero miss na kita. Parang noon lang...
Kumain na ako ng pagkain na niluto ko at matamlay na naghugas ng pinggan...
~~~~
"Tulungan na kita sa paghuhugas." Alok nya.
"Wag na." Sabi ko naman dahil baka maistorbo ko lang sya pero nagpumilit sya. Habang naghuhugas ay sinabuyan nya ako ng tubig sa mukha. Nagulat ako doon dahil hindi ko yun inexpect.
"Ang harot mo, Darren." Natatawang sabi ko nung inulit nya pa.
"Mukha kasing tinatamad ka na." Sabi nya at nagkatuwaan kami at natapos na rin namin paghuhugas kaso napagmop tuloy ako dahil sa kaharutan naming dalawa.
~~~~
Napapangiti ako sa memoryang naalala ko. Pero malungkot dahil hindi na yun mauulit... takot na ako sumugal.
Nagwalis ako ng bahay kahit masakit ung ankle ko. Nung matapos ay hindi ko alam kung bakit pero dinala ako ng paa ko patungo sa kwarto noon ni Darren.
~~~~
"So heto po kasama ko si Darren Espanto, busy po sya sa ginagawa nya. Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko pero lumayo lang sya sakin.
"Guys, mukhang seryoso ung ginagawa ng ating Total Performer. Ano kaya iyon?" Natatawang sabi ko dahil hindi napapansin ni Darren na sa phone nya ako nagvivideo.
Pero syempre hindi ko ito ipopost.
"Hoi Darren! Ano ba yang ginagawa mo?" Tanong ko ulit at nakatapat lang sa pagmumukha ko ung phone kahit nakaharap ako kay Darren kaya pakiramdam ko ay mukhang engot na ako sa camera hahahahaha~
"Wag ka kasing magulo, nagfofocus ako." Sabi nya at pinagpatuloy ang ginagawa nya at nung makahanap ako ng tiyempo ay inagaw ko ung sketchpad ko.
At agad na bumulalas ng tawa.
"Drawing ba toh?" Natatawang sabi ko at humarap sa camera kahit utas na utas na ako kakatawa.
"Guys, nagdrawing po si Mr. Espanto sa sketchpad ko. Tingan nyo po." Tinapat ko sa camera at bumulalas ako ulit ng tawa.
"Hoi, Trish naman eh! Effort kaya yan tapos tinatawanan mo!" Nagtatampong sabi ni Darren. Tinapat ko sakanya yung camera at izinoom sa mukha nya.
"Nagtatampo po ang ating bebe Darren, guys. Sorry na po." Sabi ko at napatingin sya sakin.
"Hoi! Cellphone ko yan ah?!" Sabi nya at akmang aagawin pero nakatakbo ako sa kabilang sulok ng kwarto at nung naabutan nya ako ay inaagaw nya un.
Unexpectedly... naout of balance kami... bumagsak ako sa kama at nasa ibabaw ko sya.
Namula ako at kita ko ring namula sya. Tumayo na din sya at naupo akong ayos.
"Guys wala kayong nakita. Hindi po iyon scandal, aksidente yon. I love you guys! Babush!" Sabi ko sa camera.
~~~~
BINABASA MO ANG
Home (Darren Espanto Fanfiction)
Short Story(Short story) What if the one that made you feel so much pain is your idol? Started: 05-23-18 Finished: 05-25-18 Edited: 04-16-20