Lungkot. Pagod.Ang tanging nadarama ko sa ngayon. Ang bigat ng puso ko dumodoble sa bigat ng pakiramdam ko at ng katawan ko.
Ayoko na. Hindi ko na kaya.
Gusto ko mang sumuko, hindi ko pa rin magawa lalong-lalo na nung nakita ko ang malungkot na mukha ni mama sa tabi ko na nakaconcentrate sa pagmamaneho.
Malalim akong napabuntong-hininga habang pumapasok sa isip ko ang mga masasakit na alaala. Ang bawat sulok ng kwarto na kulay puti, mula sa bubong, sahig pati kumot at kama. Pati ang mga labi ni papa at buong katawan niya. Kahit nanghihina, patuloy pa rin niyang pinapakita sa amin na siya ay masaya, matapang at ayos lang kahit sa katotohanan, hindi naman pala.
Ilang araw akong lumiban sa klase para lang makasama siya. Mamonitor ang sakit niya, samahan si mama na alagaan siya. Ang mga araw kung saan muli kaming nagkasama, kaming tatlo lang. Mabuti sana kung magaling siya, maayos siya, walang sakit. Pero hindi.
Hindi ko namalayan na may luhang tumulo sa mga pisngi ko nung naramdaman ko ang mainit at maingat na haplos gamit ang mga kamay ni mama. Nakapark na pala siya sa may parking lot ng school.
"Tahan na anak. Kakayanin natin 'to para sa iyong papa. Sapat na ang ilang mga araw na nagkulong ka sa kwarto at gustong makapag-isa. Ayaw ng papa mo na masira ang kinabakusan mo dahil lang doon, may marami ka pag dapat asikasuhin gaya ng pag-aaral mo. Ako naman ay magpapatuloy sa pagtatrabaho para sa'yo." halos paos na boses niyang sabi, pinigilan ang mga luha sa gilid ng mga mata.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo dahilan para mapapikit ako kasabay ng pagkahulog ng ilang luha na bumuo sa gilid ng aking mata.
"Mahal kita, anak." napangiti ako sa sinabi niya sabay tango.
"Mahal ko din kayo ma," pati na ikaw pa.
•••
Lumipas ang mga araw na akala ko ay magiging normal na ayun pala kabaliktaran ng aking inaasahan.
Nung una, ayoko talagang pumasok pa sa paaralan dahil nalaman ng lahat ang balita tungkol sa nangyari sa akin, sa tatay ko, na isinabi pala ni mama para ipagbigay alam sa kanila na kung bakit ako lumiliban sa klase at buti nga pumayag sila kasi kung wala akong maayos na excuse, siguradong paaalisin ako dito at hindi na ako makakapag-aral.
Wala ako the whole second grading ng pagkagrade 10. Buti nalang nakabalik ako ng maaga para sa 3rd grading at sinubukan ko talaga magcatch-up, sinubukan muna isawalang-bahala ang nangyaring trahedya sa buhay ko. Ngunit, kahit anong gawin, bumabalik pa rin sa akin ang nakaraan. The little moments I spend with my dad that are limited, may time bound.
Sinubukan ko ulit mag-aral nang mabuti, makinig pero ilang minuto lang ay lumilipad na ang isip ko sa kung saan-saan, bigla nalang iiyak at ang ayoko sa lahat ay makikita ko ang mga mukha ng aking mga kaklase na puno ng pag-alala o sa madaling salita pity o kinaaawaan,and I hate it.
Kaya isang beses, nang walang pasabi, umalis ako sa aking upuan na para bang nasusunog yung pwet ko doon para dumiretso sa c.r kasi naiiyak na naman ako nung may nabangga ako na akala ko ay pader, yun pala ay dibdib ng isang tao.