Valentines day

68 4 4
                                    

Kyla's POV

February na naman,buwan para sa mga magkasintahan,hind para sa mga katulad kong NBSB. Bukas na ang valentine day. Madami na naman ang magdadate,magkaholding hands sa public place at syempre ang mga nagkikiss sa public places. -_-

Bitter na kung bitter. Eh kasi naman collage na ako wala pa rin akong boyfriend. Yung mga pinsan ko nga na mas bata sa akin meron na eh. Kaya pagnagkikita kami madalas nila akong inaasar.

Pagapsok ko sa school madami agad na couples na naglantaran sa school. May mga design na heart sa pader kasi nga bukas na yung valentines.

"Hoy!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Raffi bestfriend ko.

"May pangalan po ako! Kyla!"sigaw ko habang lumalakad papunta sa kanya.

"Wala trip ko 'hoy' eh."inirapan ko na lang siya.

"Makakasama ka ba bukas sa akin?"

"Sorry. Hindi eh may date kami bukas eh."

"Oo na. Alam ko naman"

"Sige una na ako."

Tumango na lang ako. Naglakad na naman ako ng mag-isa. Ito na naman yung feeling na mag-isa ka. Nasa ibang bansa kasi yung magulang ko para sa business namin. Ang kasama ko lang yung mga yaya sa bahay.

Ito na naman yung feeling na mag-isa. Ano ba yan ang arte ko.

Pumasok na ako sa classroom ko. Syempre may sarili silang mundo. Lahat ng babae pinag-uusapan ang date nila bukas ng boyfriends nila. Yung mga lalaki naman busy sa pagpaplano ng date bukas. Lahat na lang sila pinag-uusapan ang Valentines day. Nakakaasar.  Ang bitter ko. Maya maya lang may lumapit sa aking lalaki si Darwin.

"Happy Valentines!"napangiti naman ako.

"Alam mo ikaw pa lang ang unang bumati ng happy valentines na lalaki sa akin. Tska bukas pa yun ah."

"Wala trip ko lang batiin ang lahat ng babae ng happy valentines. Actually nagsimula na ako February 1." ang dami kayang babae sa school.

"Lakas ng trip mo ah. Suportahan na lang kita diyan."

"Sige una na ako ah."

Tumango lang ako at umalis na siya. pinagpatuloy nga niya ang pagbati sa halos lahat ng babaeng makakasalubong niya.

Dumating na din ang prof. namin at nagturo na. Normal na araw lang.

Kinabukasan...

Dapat hindi ako papasok. Sa school namin pag ganitong okasyon walang ginagawa sa school. May mga activities lang naman at syempre tungkol sa valentines day. Kaso pinilit ako ni Raffi eh. Papasok na sana ako sa banyo kaso biglang nag ring yung phone ko.

Raffi calling...

["Bakit?"]

["Bakit ang sungit mo? Pumasok ka ha."]

["Oo na."]

["Pumasok ka ha,magmake up ka,suot mo yung binigay ko sayo noong pasko."]

[Ha? ayoko. Ang ikli ikli non eh.]

[Isusuot mo o sasabihin ko ang crush mo?] Si Mikey yung crush ko. Kaso malabo eh kasi heartthrob yun eh.

["Oo na."]

["Sisiguraduhin kong ito ang pinaka maganda mong valentines day!"]

["Ha? anon? sa--"]

*toot toot

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Valentines dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon