Calendar Princess Miss May

86 0 0
                                    

this is my first story hope read it :>

--vote and comment pls ^_^

enjoy reading guys :))

Chapter 1:

NAG-ANAK sa kasal si Adora ng sabado nang hapong iyon sa Sto. Domingo Church sa Quezon City. pagkatapos ng reception na ginanap sa The Great Eastern Hotel sa Quezon Avenue ay nagpalit siya ng bihisan at nag-taxi patungong Trinoma.

  gusto nyang samantalahing makapg-grocery habang nsa lungsod sya. sa Pagsanjan, Laguna pa kasi sya nakatira.

  susunduin nman sya ng bunso nyang Anak na si Julius, na sya ring naghatid sa kanya sa Sto. Domingo Church.

  madalang na syang makaluwas ng Maynila mula ng mamirmihan na sila sa Pagsanjan kaya nman basta ganitong nakakaluwas sya ay sinasamantala nyang mag-shopping, mag-grocery at mamasyal.

  sa Green hills sila nakatira dati, pero ng mamatay sa atake sa puso ang asawa nyang si Fernan noong 1996 ay umuwi na lamang silang mag-anak sa kanyang hometown, sa pagsanjan nga.

  may malawak silang lupain doon na natatamnan ng palay at lanzones. Ang panganay nyang anak na si Julio, na isang Agriculturist ang namamahala doon.

dumiretso sya sa grocery section ng Landmark na nsa basement. Kumuha ng grocery cart at nagsimulang mamili ng mga bibilhin.

   mabilis na napuno ang cart na tulaktulak nya. Dumako siya sa section na mayroong mga hotcake flour. Mahilig syang mag-almusal ng hotcake kaya pag naggo-grocery siya ay Hindi maaring hindi sya bibili niyon.

   Nagulat pa siya pero biglang sumaya ng makita doon ang isang lalaking namimili ng cake flour.

   "Andrei!" masayang tawag nya sa lalaking agad ding napatingin sa kanya.

   "Tita Adora!" bulalas nito at mabilis siyang nilapitan at hinagkan sa pisngi.

"bakit kayo naririto?"

    "nag-anak ako ng kasal dyan sa Sto. Domingo. naisip kong mag-grocery muna bago umuwi!"

    "Sino'ng kasama nyo?"

"inihatid ako ni Julius. Susunduin din nya ako mamaya. Ikaw, ano ang binibili no?"

    "nagpapabili ng cake flour si mommy at magbe-bake dw ng cake."

pamangkin niya si Andrei, anak ng younger sister niyang nkatira sa Times Street malapit sa bahay nina Cory Aquino.

   malapit sakanya si Andrei at paborito nman nyang pamangkin ang lalaki. mandalas ito sa kanila noong sa Green hills pa sila nkatira at kasundong-kasundo nito ang kanyang mga anak, lalo na si Julius na kaedad lng halos nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Calendar Princess Miss MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon