Please play "Josephine" by Yeng Constantino while reading the story.
This story is obviously based on Yeng Constantino's song. Be sure to ready some tissues cos there's chance that you might need them.
Hope you'll like it guys :)
P.S.
This is not 100% a real story. This is still a fan fiction.---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa pag-ibig lahat kelangang masaktan.
Hindi mo masasabing tunay kang umibig o umiibig kung hindi mo naranasang masaktan.
Pero punyetang pag-ibig yan, ang sakit sakit masaktan.
Ang sakit sakit umasa.
Ang sakit sakit.
Eto nanaman ako, umiiyak mag-isa.
Siguro kung pwede lang magsalita 'tong unan ko, binungangaan na ko neto kasi puro luha ko na siya kulang nalang maging dagat na siya.
Siguro rin sinipa na ko netong kama ko palabas ng kwarto kakamuk-mok ko dito kapag umiiyak ako.
Bakit kasi ang tanga tanga ko?
Bakit sakaniya pa?
"Huy... umiiyak ka nanaman." Narinig kong sabi ng isang boses at naramdamang tumabi ito sakin at niyakap ako.
Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili ko.
"Wala 'to." Sabi ko.
Nanaman.
"Ayan ka nanaman sa 'Wala 'to' na yan. Babatukan na kita alam mo?" Banta niya sakin.
"Wala nga 'to." Pinilit kong ngitian siya.
"Siya pa rin ba?" Nag-aalalang tanong niya sakin.
Tumango na lang ako sakaniya.
Agad naman niya kong niyakap.
"Haynako. Wala ka talagang kadala-dala." At humiwalay siya sa yakap niya sakin.
"Lika na, dinner na tayo." At hinila na niya ko pababa sa kusina para kumain kasama ang buong team.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakilala ko siya dahil parehas kami ng pinapasukang university. Parehas kaming athletes. Close siya kay Ate Aby na siyang tinuturing kong nanay sa team. Kaya ayun, dahil kay Ate Aby kaya ko siya mas lalong nakilala. Chinito siya at halos ka-height ko lang. Gwapo, sabi nila. Pero para sakin napa-cute niya. Kamukha nga niya si Bimby eh haha.
Mabait naman siya. Sa katunayan ang kulit niya ngaeh, nakakatuwa. Agad kaming naging close dahil madalas niya kong lokohin pag magkakasama kami nina MotherF (Ate Aby). Ang humurous niya kasi at maraming alam na mga kalokohan at banat.
"Hahahahahaha." Sakit sa tiyan neto ni Thomas.
"Isa pa! Knock Knock!" Nako, eto nanaman tayo sa mga jokes niyang napaka-korni. Kanina pa siya nagjojoke at tawa lang ako ng tawa kahit korni kasi siya mismo nakakatawa.
"Oh, who's there? Nako kapag yan korni sa-spike-an na talaga kita ng bola Thomas." Sabi ni MotherF sabay dila sa ice cream niya.
Ako naman eto, nakikinig lang habang ninanamnam ang ice cream na hawak ko.
"Bakit po."
"Bakit po who?"
"I whip my hair bakit po. I whip my hair bakit po." Kanta niya sabay whip pa ng hair niyang maikli naman.
BINABASA MO ANG
Josephine
FanfictionOne shot ThomAra story based on the song Josephine by Yeng Constantino.