Cancerous Series (On Going)

48 2 1
                                    

Cancerous

This is a work of fiction. All events, names, and places are purely coincidental. Imagination ko lang ito J

Characters:

Mishael Orinsky –female protagonist/narrator

Byron Go – male protagonist/love interest ni Mishael

Kelly Castro – bestfriend turned…..

Professors

Chapter 1

LOVE.

Apat na letra.

Endless possibilities.

A feeling.

Sabi nila, pag in love ka daw, you feel butterflies in your stomach.

Sabi ko naman, “Paanong makakapasok ang butterflies sa tyan mo, eh di nga sila nakakain?”

Kadalasan, pag humihirit ako ng ganun, naiinis ang kausap ko, lalo na pag mukha siyang tanga na pacute ng pacute kapag pinag-uusapan ang love na yan.

“Don’t tell me, di ka pa na-iinlove?”

“Frankly, para sa tanga lang ang love. Be realistic nga, No one loves you but yourself.”

Bitter.

Yan ako, bitter.

Di naman sa wala akong experience sa love.

Pero para sakin, cancerous ang love.

Unti-unti kang pinapatay.

Sa una normal ka, habang lumalaon, nagiging abnormal ka na…

At sa huli, papatayin ka nito.

Traydor ang pag-ibig, tulad ng cancer.

Two years ago…I have been in love.

“FUCK!”

Yun ang unang sinabi ko nung makita kita.

“S-sorry Miss, nagmamadali kasi ako…” sabay harurot ng takbo palayo.

Sa pagbangga mo sakin, nahulog yung 159 pages ng thesis ko!

Nagsiliparan ang mga lintik na papel at dahil sa lakas ng hangin, nagmistulang ipo-ipong tinatangay pataas ang mga lintik na bond paper.

LINTIK TALAGA!

Wala talagang nag-initiate na tumulong. Ang mga lintik na usi ay naki-usi lang talaga, di man lang nakipulot.

This is the worst day of my life!

So ano pa bang choice ko? Hinabol ko isa-isa ang mga bond paper na puno ng copy paste mula sa Wikipedia.

Pagpasok ko sa classroom, late ako. Syempre.

“And that concludes our lesson for today…”

Pasimple akong upo habang di nakatingin si Ma’am Psycho. (Gen. Psych ang subject ko sa kanya.)

“Too bad Miss Orinsky haven’t heard the whole of my lesson. Better yet she MUST answer my question.”

Nak ng tortang tinapay, nakita pala ako ng psychotic na to!

Napatayo ako sa gulat. Nahulog na naman ang lintik na thesis na kulang-kulang na sa pages.

“Y-yes ma’am?”

“Would you please EXPLAIN the gist of my lesson for today? Alam kong alam na alam mo na ang lesson natin, NANGAHAS ka na ma-late eh. So show to us how great you are.”

LINTIK TALAGA!

This is the worst day of my life!

Breaktime.

Humahangos na naman ako papunta sa faculty room. As usual, late na kasi ako magpasa ng thesis na kulang kulang na nga, puro smudge pa dahil sa dumi.

Hinahanap ko ang lintik na prof namin sa Elective. AS USUAL, wala na naman siya.

So eto, iniwan ko na lang sa table nya ang rough draft na kulang kulang. Lintik kasi na bookbinding yan, LINTIK TALAGA!

BLAG.

Me bumangga na naman sakin, at dahil sa impact, napaupo ako sa sahig ng bwisit na faculty room.

“OUCH! Watch where you’re going!”

“S-sorry Miss…”

Inangat ko ang ulo ko, and when I saw who it was….

Nakita kita…nagkakamot ng ulo.

“You son of a—“

Natigilan ako sa titig ng mga professors sa paligid.

“Ikaw na naman! You ruined my life!!!!!”

Lalong umigting ang titig nila.

“It’s not what she means….” Defensive mode ang loko.

Hinila mo ko patayo, at tumakbo palabas ng faculty.

“LOOOK! I’m sorry for what happened earlier! First day ko kasi ngayon, and damn, I don’t wanna be late!”

“Yeah right. You don’t wanna be late pero you ruined my life! Dahil sa’yo nagkulang kulang ang thesis ko, pinahiya ako ni Psycho tas ngayon di ko na naman naabutan ang papasahan ko ng thesis!”

“Sorry…” Nakayuko kang bumalik sa faculty room.

“Wait I haven’t finished yet—“

Pero di ko pa nga natapos ang sentence ko, nakabalik ka na….may mga hawak na papel.

“I think this belongs to you…”

Iniabot mo sakin ang ilang pages ng papel. Part ng thesis ko!

“How the hell—“

“Well let’s say I picked it up where you left it. Can I make it up to you with this?”

You smiled….I smiled.

And that’s the start.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cancerous Series (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon