Chapter 2: Queen Bitch | Kate

19 2 0
                                    




-

"So, saan tayo una?" Excited na tanong ko kay Patricia.

"Saan pa ba? Edi sa Gucci!" Patili naman nyang sigaw sa akin.

Aray. Di naman ako bingi, bakit ako sinisigawan nito? Tsk.

"Tara na nga, bagal mo." Hila ko sakanya papasok ng Gucci.

Pagkapasok namin sa loob ng Gucci ay nag hugis puso talaga ang mga mata ko. Gucci never fails. Ang gaganda ng bagong designs. Mula details hanggang sa tela. Shit. Max limit aabutin ng card ko.

Una kong nilapitan yung cute na dress na sobrang ikli pero sobrang ganda din. Color black sya at 3/4 ang sleeves. Sheer lang sya kaya kitang kita ang suot mong pang ilalim.

Ang ganda nito gamitin sa bar.

Kinuha ko iyon at inilagay sa basket na binigay sa akin ni Pat.


Ang pangalawa namang nakakuha ng atensyon ko ay ang pulang dress na tube at sequins & glitters ang design. Ang ganda talaga.


Pagkatapos ko namang dumampot ng hindi lalagpas sa sampung damit, sapatos naman ang pinuntahan ko.


Agad kong nakita ang black stilletos na velvet. Bibilhin ko ata lahat ng sapatos dito. Ang gaganda lahat.

Meron din akong nakita na red strapped heels na bagay sa napili kong damit kanina. Meron na naman akong outfit pang bar.

Yeah, party goer ako. Bars, if you consider it, it's already my second home. My parents know, but they don't give a fuck about it.

Pagkatapos naming bayaran ang mga pinamili namin, pumunta naman kami sa Chanel.

"Kateeee! Bilisan mo! Nangangati na akong mag shopping ditoooo!!" Tumatalon na sabi ni Pat sa akin.

"Ayan na, papunta na." Nakangiti ko namang sagot sakanya.

Pagkatapos kong dumampot ng mga damit na halo halong kulay at hindi lalagpas sa bente, binayaran ko na ito at dahil malas ako ngayon, nag max limit na ang card ko.

"Ma'am, max limit na po ang card nyo." Seryosong sabi sa akin ng cashier.


"Here. Try this." Abot ko sa kanya ang isa ko pang credit card.

"Okay na po, Ma'am." Nakangiting sagot nung cashier sa akin.

Buti naman at gumana. Akala ko pati iyon max limit na din.

"Kate, anong oras na? Nasa kotse kasi ang cellphone ko at wala din akong dalang relo."

"Ah, 11:30 na. Kailangan ko na bumalik sa bahay dahil papasok pa ako." Sabi ko habang bitbit ang mga pinamili ko.

"Oh sige. Sakay na." Sambit ni Pat at pumasok sa kotse para paandarin ito.

It was a 20 minute drive from the mall to our house at nakatingin lang ako sa daan buong bente minutos na iyon pero hindi ko alam na nakatulog pala ako sa pagod.

"Hoy Kathryn Mari, nasa bahay nyo na tayo, 1:30 pasok sa SH. 12:00 na, anong balak mo?" Sigaw na sambit ni Patricia.

Ang ingay. Parang megaphone.

"Eto na, eto na gising na. Ang ingay mo. Tsk." Nag kukusot ng mata kong sabi.

"10 minutes na kitang ginigising gaga, tulog mantika ka talaga kahit kailan. Anong oras na oh!" Naiinis na sabi nya sa akin.

Sweet Revelations [ ON-HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon