-Nakita ko na naman yung ginawang eksena ni Kath sa hallway. Hay. Ang ganda nga, ang taray naman. Buti pa si Dream.
Si Dream, sya yung dream girl ko. What a coincidence right? Dream girl ko sya, tapos Dream din yung pangalan nya.
Si Dream, galing sa mayaman na pamilya pero hindi sila kasing yaman ng pamilya ni Kath.
Si Dream, maganda pero aaminin ko na mas maganda talaga si Kath. Pero yung mukha ni Dream, mala-anghel na hulog ng langit.
Si Dream, mabait. Sobrang bait. Sya yung tipo ng tao na willing tumulong sa kahit kanino. Si Kath? Hindi sy—
Teka. Bakit ko ba kinukumpara si Dream kay Kath? Eh walang wala naman si Kath kay Dream. Aish. Never ko naman magugustuhan si Kath.
Binitbit ko na ang bag ko sabay salpak ng earphones sa magkabilang tenga ko. Malapit na ako ma-late sa klase ni Prof. Melli.
*Tok Tok*
"Come in." Sigaw ni Prof Melli sa akin.
"Oh, ikaw pala yan Mr. Monteverde. May isa pang seat sa tabi ni Ms. Alcantara."
Shit.
*Dug dug, dug dug*
Napako ako sa kinatatayuan ko nung marinig ko ang apelyido ni Dream.
"Mr. Monteverde! Sit down, time is running." Sabi sa akin ni Prof. Melli.
Totoo ba 'to? Kasi kung panaginip lang to, wag nyo na akong gisingin.
Joke lang.
"Hi Rain, Nice seeing you again!!" Nakangiting bati ni Dream sa akin. Ang ganda nya talaga.
Tinanguan ko nalang sya at ngumiti nang tipid bilang sagot sa kanya.
"Okay so class, sksnsnsnnsjskdjjdjdnebdhdjsjs" Wika ni Prof. Melli.
Sa sobrang antok ko, hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nya. Wala na akong nagawa kundi umubob sa armchair ko.
Sino ba namang hindi aantukin sa malambing na boses ni Prof. Melli? Tapos history pa yung tinuturo nya kaya double kill. Kaantok.
Napansin ko din si Dream na nag he-head bang na sa sobrang antok. Napangiti naman ako nang patago. Ang ganda nya talaga kahit inaantok.
Yung magandang kulot ng buhok nya, yung magaganda nyang kilay na mukhang perpekto kahit hindi mo kilayan. Yung mata nya na singkit at kasing kulay ng buwan. Yung labi nyang napaka pula kahit walang kung ano mang lipstick o lip tint. Yung mukha nyang tamang tama lang sakanya.
Parang, parang perpekto.
She felt so perfect it was almost surreal.
At si Dream na nasa isip ko, agad akong nakatulog kakaisip sa kanya.
"MR. MONTEVERDE!!! WHY ARE YOU SLEEPING?!!" Galit na galit na sigaw ni Prof. Melli.
School is your "second home" pero bawal matulog. Okay lang kayo? Mga patawa.
"Bakit ako natutulog? Kasi inaantok ako. Kayo ba, matutulog kahit hindi inaantok? Hindi naman diba? Tsk." Irita kong saad na ikinatawa ng buong klase.
"Detention. Now." Seryosong sabi ni Prof. Melli sa akin.
I grabbed my bag and headed straight out. Okay lang mapunta sa detention, at least makakatulog ako. Naputol tulog ko. Kainis.
BINABASA MO ANG
Sweet Revelations [ ON-HIATUS ]
FanficKathryn Mari Reyes or Kate- as what she preffered to be called, is a bitchy heiress and daughter of the world's most famous model turned fashion designer. She has all the good things in life, but will she ever have her own dose of life's sweet revel...