Letter For K

8 1 0
                                    


Puppy Love.

Karamihan 'yan ang sinasabi nila. Na ang nararamdaman ko lang daw sayo noon ay 'puppy love' lang.

Punyetang puppy love, sa isip ko. Bakit nabuo-buo pa.

Matagal na tayong nagkikita pero hindi natin kilala ang isa't-isa. Church-mate tayo noon.

Nag simula lang tayong magkausap nung may pinopormahan ka sa school ko.

Sakto nasa loob ng school ko yung church na pinagsisimbahan natin. Kaya kunwari may ginagawa ka sa church pero ang totoo gusto mo lang makita yung taong gusto mo.

Kinausap mo ko non, naalala ko. Tinanong mo sakin kung kilala ko ba yung taong gusto mo. Sinabi mo yung pangalan. Sakto kaklase ko 'yon.

Tuwing hapon, kapag pauwi ka na galing school mo dumadaan ka muna sa school ko. Nag-aayos sa church kunwari. Araw-araw yon.

Pero hindi nagtagal yung pagkagusto mo doon sa kaklase ko. Nagugustuhan mo na kasi ako non sabi mo.

Alam kong mangyayari yon sa isip isip ko. Nilandi kasi kita kaya alam ko. Habang busy ka sa pagpoporma sa kaklase ko, ako naman busy sa pagpapapansin sayo.

At hindi ako sumablay doon kaya sobra sobra yung tuwa ko nung sinabi mo ngang nagugustuhan mo na ko.

Nag-iba na ang dahilan kung bakit ka pumupunta sa school ko araw-araw. Hindi na dahil sa kaklase ko kundi dahil para na sakin.

Tuwing uwian, palagi tayong nagkikita sa may court ng school ko. Nakaupo lang tayo doon pero kasama natin palagi  yung isa kong kaibigan.

Simula kasi nung nagkaaminan tayo, nahiya na tayo sa isa't-isa haha. Kaya palagi tayong may kasamang chaperone kapag nagkikita.

Hanggang sa naging mag-MU tayo non. Oo Mutual Understanding muna dahil bawal pa kong mag-boyfriend non. Grade 6 pa lang kasi ako non habang ikaw Grade 8 na.

Dalawang taon ang agwat natin sa isa't-isa pero sating dalawa walang kaso 'yon.

Sobrang saya natin nung mga araw na iyon. Palagi tayong nagchachat o kaya ay nagtetext. Tuwing gabi naman, buong magdamag tayong magkatawagan.

Kine-kwento mo palagi yung nagyari sa school mo. Yung mga ginagawa sa church. Palagi mong kine-kwento yung nakakapagod nyong practice ng banda mo.

Tumutugtog ka kasi diba tuwing Sunday. Drummer ka ng banda mo. Sobrang proud ako sayo tuwing pumapalo ka ng drums. Gusto ko ngang ipagsigawan sa lahat na "Yang nagd-drums na yan, akin lang yan," pero hindi ko masabi dahil bawal sa banda nyo ang mag-girlfriend.

Sikreto lang yung atin. Pero dumating ang isang araw at nagkagulo-gulo ang lahat.

Nalaman ni Kuya Juls, sya yung nagturo sayo mag drums at yung pinaka-kuya nyo sa banda diba?

Nung araw na din yon, nalaman ng mga kapatid ko yung tungkol sayo. Pinagalitan nila ko. Bakit daw magkakagusto na lang ako doon pa sa mas matanda sakin ng dalawang taon. Magkakagusto na nga lang daw ako doon pa sa komplikado. Alam din kasi nila na bawal mag girlfriend kapag tumutugtog sa church. Iyon ang rule sa simbahan at lahat ng tao alam iyon.

Sinabi ko sa kanilang mahal kita. Oo nakakatawa kasi ang bata bata pa natin tapos mahal na agad natin yung isa't-isa. Pinagtawanan lang ako ng mga kapatid ko at sinabing tigilan daw kita.

Hindi ako nakinig sa kanila. Nagpatuloy tayo sa pagkikita at pag-uusap. Bumalik tayo sa dati na tumatambay palagi sa court ng school ko at palaging sabay umuuwi. Walking distance lang ang bahay nyo pero hinahatid mo pa ko non sa bahay namin tsaka ka pa lang uuwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon