SPOKEN POEM #6

53 0 0
                                    


"Klasrum"

-

Ilang taon man ang lumipas
Ang alaala'y mananatiling bukas
Sa aking isipan.
Ang mga pangyayari sa loob ng silid-aralan,
Magiging isang magandang panaginip na aking babalik-balikan.

Ang mga halakhak at iyakan ay sariwa pa sa aking alaala
Damayan dito, tulungan doon, hindi yan mawawala
Ika nga "Juan For All, All for Juan" yan ang tagline ng bawat isa
Kabalikat sa hirap man o ginhawa.

Mawawala ba naman ang usapang tropa?
Hula ko'y unang-una yan sa listahan kesa unahin ang matematika
Mapa-bahay man o sa eskwelahan
Di mawawala ang sandamakmak na chismisan.

Naaalala ko pa yung mga take home works
Ginagawa sa bahay, pero bat nagiging schoolwork?
Papasok ng maaga, uupo sa silya
mag-aantay ng kaklase at poporma
Sabay sabing "uy pakopya ha?"

Lumipas man ang ilang taon,
Ang mga alaalang iyon ay magsisilbing inspirasyon at magandang pangyayari.
Salamat sa may apat na sulok na kwarto
Dahil nakatagpo ako ng mga kaibigang totoo.

Tugma, Sukat At TanlinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon