Secret

110 1 6
                                    

Mahirap magparaya sa taong mahal na mahal mo.

Pero mas mahirap itong pakawalan lalo ng alam mong ang taong may mahal sa kanya ay walang iba kundi ang

BESTFRIEND mo.

Jane's POV

Andito kami ngayon sa canteen ni Rachelle bestfriend ko.

At kung tatanungin niyo kung baket hinihintay lang naman niya ang kanyang crush na walang iba kung hindi

Si Patrick James Sandoval

Naging crush niya si Patrick nung sumali ito sa dance group namin last year.

"Best ayan na siya grabe ang gwapo niya talaga." Palo ni Rachelle sakin.

"Aray ko naman best! Makapalo wagas?! Kalma lang" Awat ko naman sa kanya.

"Aynako best di uso kumalma lalo na kapag kinikilig ka!Grabe gwapo niya!" Sabi niya sakin.

Nagring na ang bell it means be ready for the next subject na.

"Ewan ko sayo. Hay tara na nga mahuli pa tayo sa next class lagot pa tayo kay miss." Hila ko sa kanya dahilan para mapatayo siya.

-

Natapos na ang last subject namin

uwian na.

Ang daming tao sa hallway kaya nagpahuli na kami ni best ng paglabas.

"Best? Sorry baka di kita masabayan pauwi anniversary kasi ng parents ko may family dinner kami." Sabi ni Rachelle sakin.

"Ah, ganun ba. Sige kaya ko naman na umuwi ng magisa and di naman na ko fetus no." Biro ko sakanya.

"Loko ka talaga best. Sige una ako. Byeee!" Sigaw niya sabay takbo palabas ng room.

Loko talaga yun.

Pagkatapos kong magayos ng gamit lumabas nako room para umuwi.

Habang naglalakad ako nakita ko si Patrick sa may parking lot. Gwapo niya talaga.

Oo, tama kayo crush ko si Patrick matagal na since first year kami hanggang ngayun third year na kami. Hay, nagguilty ako dahil matagal ko ng hindi ito sinasabi kay Rachelle.

Alam kong mali kaso kapag sinabi ko ay baka pigilan niya ang nararamdaman niya para kay Patrick. And knowing her magagawa niya yun.

Okay ng ako ang masaktan kesa ang bestfriend ko.

-

"BEST!!!" Palo sakin ni Rachelle.

"Hobby mo bang manghapas? Bakit ba! Para tong may sapi."

Nagtatakang sabi ko sa kanya.

"Best! Nangliligaw na sakin si Patrick! Grabe best di ko inaasahan to" Masayang sabi niya sakin.

Aray! Parang nadurog naman ang puso ko nun.

"Oy Best? Okay ka lang? Parang natulala ka!? Di mo akalain no. HAHAHA!Sabi naman sayo eh mabibighani rin sa ganda ko si Patrick!" Pagmamayabang nito sakin.

"Ah, tulala ako? Nabigla lang ako. Eh sa pangit mong yan eh niligawan ka ni Patrick." Sarcastic kong sabi.

"Grabe best. Aray ah, hard mo naman. Pero seryoso dikaba masaya?" Tanong niya sakin.

"Syempre masaya matagal mo ng gusto yung mokong na yun diba? Ayan okay na." Sabi ko sa kanya.

"Thankyou best. Ikaw na talaga"

"Walayun. Ah, sige Best CR muna ko. Una ka na lang sa room. Byee!" Sabi ko sabay takbo.

Pagpasok ko sa cr pumunta na ko sa isang cubicle at doon na nagsimula bumuhos ang luha ko.

Hindi ko ba alam siguro tanga nga ako kasi di ko sinabi kay Rachelle na matagal ko ng gusto si patrick.

Hay ang tanga ko ang tanga tanga ko.

Pagkatapos kong umiyak napagisipan ko ng umuwi dahil mukha na kong zombie.

-

Lumipas ang ilang buwan at nabalitaan kong sinagot na daw ni Rachelle si Patrick. At ngayun 3 buwan na sila.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi kay rachelle ang feeling ko kay patrick.

Siguro okay na to. Para wala ng gulo. Mas okay nang maging

isang

Secret

ang lahat.

-------------------

A/N

Hi guys, first one shot ko to kaya sorry na.

Tell me what you think by commenting down below :)
(Naks english)
Vote&Comment

Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon