Heartbeat 27↭ Caught Confessing

149 4 0
                                    

3rd Person's POV

"Anong gagawin ko? Hindi naman pwedeng sumabat ako sa naging kasunduan nila Mama. Papano ko sasabihin sa kanya na ayaw ni Kuya sa arrange marriage nila?" Pagtatanong ni Jasmin sa kasama niyang si Robbie na ngayon ay nagmamaneho na papabalik sa campus para kunin ang kotse ni Jasmin.

"Pano kaya kung sabihin mo na lang na may girlfriend na ang Kuya mo kaya hindi na siya pwedeng iarrange" pagsusuhestyon naman ni Robbie.

"Hindi naman yun paniniwalaan ni Mama. Alam niya kasing sa career ngayon nakafocus si Kuya" saad ni Jasmin.

"Papano kaya kung sabihin mo na may itinanan na si Kuya Rin—"

"Nag-iisip ka ba?! Pano kung atakehin si Mama kapag sinabi ko yan!!!" Hindi na natapos ni Robbie ang sasabihin niya dahil sumabat agad si Jasmin.

"Nagbibiro lang ako! Napaka seryoso mo na naman. Alam ko naman na masama ang ganun" pagpapaliwanag naman ni Robbie.

"Tumingin ka na nga lang sa minamaneho mo!!" Inis na sambit ni Jasmin. Napatawa na lang nang tahimik si Robbie dahil sa inasal ni Jasmin.

Ngayon niya lang nakita ang ganitong pag-uugali ni Jasmin. Hindi niya inaakalang may ganitong pagkatao ang dalaga. Na madali pala siyang magalit. Inisip niya na mas maganda na ito kaysa sa wala siyang kibo at hindi sinasabi ang kung ano man na nasa isip.

"Pero ano nga kaya talaga ang pwede kong panimula sa pagpapaliwanag kay Mama" pagsasalita uli ni Jasmin.

"Sabihin mo na lang kaya sa kanya ang totoo, na hindi naman talaga pumayag si Kuya Rin" sagot uli ni Robbie.

"Hindi nga pwede!! Malalaman ni Mama na pumunta si Tita Mildred kay Kuya. Papag nalaman yun ni Mama, magagalit na naman siya kay Tita. Mas lalaki pa ang gulo! Ikaw talaga, wala ka nang naibigay na tamang sagot! Magmaneho ka na nga lang!!" Iritadong saad ni Jasmin.

"Tinatanong mo ako tapos ayaw mong sagutin ko ang mga tanong mo" mahinang paliwanag naman ni Robbie.

"Hindi naman kaya kita tinatanong" sagot ni Jasmin na narinig pala yung pinagsasabi ni Robbie.

"Kanina ka pa nagtatanong diyan tapos hindi ako ang kinakausap mo? Ano? May nakikita ka na bang taong hindi ko nakikita dito?" Pambabara naman ni Robbie.

"K-kinakausap ko lang ang sarili ko!!" Pagpapalusot ni Jasmin na nakapagpangiti naman kay Robbie. Para sa kanya kasi, ang cute tingnan ni Jasmin kapag naghahanap ng rason para makapagpalusot. Lumalaki kasi ang butas ng ilong ng dalaga.

Elizabeth's POV

"Are you sure Maaasahan kita? This will be your first day kaya make a good impression" hinabilin ko muna ang boutique sa assistant ko.

Actually kahapon ko pa lang siya naging assistant. Ngayon na busy na si Tan-Tan, mas kailangan na ni Jasmin ang atensyon ko. Tyaka gusto ko na rin na bigyan ng oras ang anak ko, hindi yung palagi na lang trabaho.

"Opo ma'am, you can count on me. Hindi ko po pababayaan ang boutique" sagot naman ng bago kong assistant.

"Kung may kailangan ka o kapag nagkaproblema, tawagan mo ako agad. Tyaka mamaya, kapag magsasara ka na, siguraduhin mong nakasara lahat. Maraming magnanakaw sa lugar na ito, mahirap na" paghahabilin ko uli sa kanya.

"Opo ma'am" sagot niya uli. Hindi pa talaga ako sanay na ihinahabilin sa iba ang trabaho ko, pero dahil kailangan ako ni Jasmin, ay gagawin ko na lang. Mas mahalaga naman ang anak ko kesa dito.

♥♡♥

"Mama, ang aga niyo naman po ngayon" kakauwi pa lang ni Jasmin. "Papano po yung boutique?" Tanong niya naman.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon