THALIA POVOne week,halos one week na rin simula nang mawala si Shan,Ginawa na namin lahat ng connections at lahat. Pulis o militar maging Presidente ng bansa nadamay na, pero wala pa ring pagbabago.
Si Stacey wala sya sa sarili nya minsan hahanapin nya magisa si Shan at take note ng nakapaa walang ayos, walang fierce at halatang halata na wala sya sa sarili nya. Halos lunurin nya araw-araw sa alak ang sarili nya para lang makatulog. Isang linggo na rin sya walang kain na pinag taka naming lahat dahil knowing her she's a Food Monster.
Ang isang pinasasalamat namin ay naliligo naman sya kahit papano yun nga lang minsan nadadatnan namin syang nakalublob sa tub o di kaya tulala habang nagshoshower. Minsan nga sa kalagitnaan ng madaling araw maglalakad yan ng parang tulog pero nakadilat I mean tulala papunta sa paborito nilang park ni Shan malapit sa mansion.
Nga pala dumating ang best friend ni Shan from Australia kaya yun nadagdagan kami ng malaman nyang nawawala si Shan agad syang umuwi ng bansa. Si Terrence at Troy ang laging nasa tabi ni Stacey ngayon, minsan pag wala yung dalawa kundi ako o si Xavier.
Minsan nga maging si Xav maabutan na naming nakatulala eh. Nag-uusap kami lahat minsan na ano kaya kung kumuha kami ng mansion na magkatabi para hindi na sila nahihirapan pabalik balik tutal lagi naman sila nandito. Gusto namin tulungan si Stacey pero...nagdadalawang isip kami dahil unang una hindi kami ang nasa posisyon nya, hindi kami ang nawalan.
Ang dami nya nang napagdaanan maybe oo malakas sya kung titignan mo pero ang totoo nyan she's Fragile. Namatay ang dad nya kasabay ng kakambal nya na si Stanley. Ngayon naman nawawala si Shan na hindi malabong patay na pagbalik nya, O mas worst ay mawala na ito ng tuluyan. Mafia ang kumuha sakanya kaya hindi malabong yun ang nangyari. Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Cyd sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sakanya.
"She's no where again."-Cyd
"Hindi na sya natuto." Tumayo na ko at nagsimulang maglakad papunta sa lagi nya pinupuntahan.
Naabutan ko sya nakaupo ng tahimik sa ilalim ng puno. At kailan pa sya nahilig na maupo sa ilalim ng puno. Nakapikit lang sya na tila dinadama ang hangin sa paligid nya.
"Thalia,babalik sya alam ko." humikbi sya at nagtaas baba ang balikat "Nararamdaman ko buhay pa sya." Ngumiti sya ng mapait "Nangako sya sakin sabi nya he will come back kase papakasalan nya pa ko." tuluyan na syang napahagulgol.
Tinayo ko sya at niyakap ng mahigpit gusto ko maiyak sobrang sikip ng dibdib ko dahil sa nararamdaman ng kaibigan ko.
"Tito Alfred & Tita Leanna is expecting you tomorrow at the church, they prepare for a prayer for Shan." Mahinahon kong sabi sakanya, alam ko anytime mag freak out nanaman sya.
"Why?" Yan agad ang tanong nya.
"Prayer for Shan" Maikli kong sagot.
"Hindi pa patay ang FIANCE KO!!" Sigaw nya.
"I know Stacey but..." Tumingin ako ng diretso sa mata nya "We need to pray for him."
Hindi ko sigurado kung nakinig sya sakin dahil agad syang tumalikod at tumango ang direksyon papunta sa mansion. Napapailing nalang ako na sumunod sakanya. Nang dumating kami diretso lang sya papunta sa kwarto nya. Halos kumpleto na rin kaming lahat nandito rin si Terrence at Troy.
"Kamusta na sya?" Tanong ni Troy.
Nagkibit balikat lang ako at naupo sa tabi ni Cyd. Hindi ko matanggap na kami ayos na lahat pero tanging si Stacey ang hindi maayos saaming lahat. Napapailing akong tumayo at tumungo sa hagdanan.
BINABASA MO ANG
The Battle of Mafia's and Gangster's (COMPLETED)
ActionEight Notorious Mafia Leaders... Eight Girls with different Personality... Eight Girls who rule the world... Eight Princesses' with devilous but fabulous personality... And lastly Eight Girls with Beautiful faces and Sexy f ucking Body. Bu...