ten

7 0 0
                                    

Mula sa kinauupuan ko, nakikita ko silang nag-uusap. Mukhang masaya sila. Nagtatawanan.

"Excuse me miss, iseserve ko lang ito."

Naputol ang pagmamasid ko sa kanila nang lumapit ang isang serbidor na may hawak na tray.

"Pero kuya, wala naman po akong inorder." Naguguluhan kong sagot.

"Si Sir Cal po ang nag-order nito para sayo."

Hinayaan ko nalang ang siya na ilapag ang pagkain sa harap ko. Carbonara at mango shake.

Baka suhol to sa lahat ng nagawa ko para sa kanilang dalawa.

Kinain ko na yung carbonara. Paborito ko talaga ito, pati yung mango shake. Atleast, napagaan yung loob ko nito.

Stress eating hahaha.

Pinanood ko parin sila Cal at Maxine na mag-usap. Hanggang sa tumayo si Maxine at pumunta sa cr. Naiwan naman si Cal sa table.

Nakita nya ako at kinawayan. Kumaway rin ako pabalik at nag thumbs up.

Not My Fairytale //k.sjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon