Ako si Rosa. Rosalie Jandi Sanchez ang aking buong pangalan. Isa akong simple at normal na tao.
Naninirahan kami dito sa Probinsya ng La Union. Hindi kami mayaman. Minsan ay wala na kaming makain pag walang kita ng isda ang aking Tatay Ben. Siya ay isang mangingisda at si Nanay Sita naman ang aking nanay na sa bahay lang at inaalagaan kaming magkakapatid. Tatlo kaming magkakapatid. Tatlong Maria. Si Gela, Denise at ako.
Si Gela ay sumunod sa akin na maghihighschool na sa susunod na taon. At si Den-den ay nasa elementarya pa lamang.
Bakasyon ngayon, kakatapos ko lang sa aking High School at sa pasukan ay magiging College Student na.
Hindi nman sa pagmamayabang pero ako ay nakakuha ng Valedictorian sa aming paaralan. Ngayon nag iisip ako kung san at paano ako makakapasok sa kolehiyo dahil walang Kolehiyo sa aming lugar. Binigyan ako ng Scholarship ng aming Paaralan. Sa Saint Louis Academy nakalagay ang paaralan ng aking Scholarship. Ngunit sabe ng aking mga guro ay sa Manila daw ito matatagpuan. Libre ito at sila pa ang magbibigay ng Baon sakin araw-araw ngunit hindi kasama ang aking pamsahe papunta doon. Meron akong tiya at mga pinsan na nakitra sa Maynila.
Sinabi ko ito sa aking mga magulang. Gustong-gusto nila akong mag-aral sa magandang paaralan ngunit ang sabay nilang sabing wala kaming pera papunta kong pamsahe sa Maynila. Naiintindihan ko nman iyon perooo. Hayyy. :/
Nakiusap ako sa kanila, ang sabe ni Tatay na kaya kuba daw na tumira sa Maynila at makisama sa aking tiya at mga pinsan. Sinabe niya na mangungutang daw siya sa kakilala niya para may pamasahe ako papunta sa Maynila bago sumpit ang pasukan.
Tuwang tuwa ako na may halong kaba sa dibdib, Dahil ibang lugar ang aking papasukan.
Nakautang nga si Tatay at nakaluwas ako agad ng Maynila para sa darating na pasukan. Nakitira ako sa aking Tiya at mga pinsan. Mabait nman sila depende nalang kay Precious na hindi ko alam kung bakit inis na inis sa akin. Ewan kuba. Sabe nman ni Kismet na kapatid ni Prei na pinsan ko ren. Insecure lang daw siya sa akin dahil ang Ganda ganda ko daw at Matalino pa. Hahaha. Flattered nman ako sa sinabe ni Kismet na mabait na pinsan.
Si Kismet at si Precious ren pala ay Nag aaral sa Saint Louis Academy (SLA) nabigla sila dahil sinabe ko na dun ren ako nag aaral pero dahil lang ito sa aking Scholarship. Si Tiya Cham ay kapatid ng aking ama na naka angat sa buhay dahil siya ay nakapag asawa ng Myaman na Engineer na si Tiyo Rodolfo.
Doon narin ako bumili ng mga gamit paaralan at kung ano pa kasama si Kismet. Kaming lahat ay Excited na sa First Day dahil maari kaming makakilala ng mga ibat ibang tao.
Isang araw nalang at Bukas na ang pasukan, tugon ni Kismet. Excited na Excited kami at hindi nga kami makatulog. Haha, :)
BINABASA MO ANG
Si Ms. Probinsyana at Mr. Chick Boy. :)
RomanceMababago ni Ms. Probinsyana si Mr. Chick Boy. :)